Raven Sevino
HINDI KO NA SIYA NAPIGILANG UMALIS.
Pinunasan ko ang namumuong luha sa gilid ng aking mata at nilingon si Kenn na tuluyan na nawala sa paningin ko.
Balak ko sana siyang habulin para magpaliwanag pa, pero parang nawalan ako ng lakas na gawin iyon.
Umakyat ako sa kwarto at tumunganga. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
"Tatawagan ko ba siya?" tanong ko sa sarili. Pipindutin ko na sana ang call button pero biglang nanigas ang daliri ko sa ere. "Pero mas maganda kung kakausapin ko siya sa personal, e.."
Huminga ako nang malalim at nagdesisyon na pupuntahan ko na lang si Kenn bukas sa bahay nila. Mas makakapag-usap kami nang maayos sa ganoong paraan. Saka bukod doon, may pagkakataon na rin akong magpasalamat sa mga magulang niya sa pagpapatuloy nila sa akin noong malakas ang ulan. Hindi ko na kasi ulit sila nakausap mula noong araw na iyon.
Tumango-tango ako sa sarili. Final na, pupuntahan ko si Kenn bukas sa kanila. Pumikit na ako at tuluyan nang nilamon ng antok.
KINABUKASAN ay tanghali na ako nagising. Hindi naman ako sobrang nalasing sa birthday ni Justine kahapon, pero masakit ang ulo ko ngayon. Pilit akong tumayo para gumayak na.
Baggy blue maong pants, white t-shirt, at white nike na sapatos ang naisipan kong suotin. Nagsuot na rin ako ng black cap at shade dahil tirik na tirik ang araw ngayon. Saktong ala una na ng hapon ngayon.
Habang nasa sala ay biglang sumulpot si Nena sa likod ko. "Sir, alam mo na ba ang chismis?"
"Nasaan si Russeil?" balik na tanong ko.
"Nasa room niya, sir. Nagpe-play kasama yung anak nung bagong lipat diyan oh." Nginuso niya ang bahay na nasa gilid namin. Parang noong nakaraan lang ay nirerenovate pa lang ito dahil balak paupahan ng may-ari na nag-migrate na sa Canada.
Tumango ako. "Bantayan mo nang maayos ah? Baka mag-away eh."
"Donchuworri, sir. Good boy iyon! Aba, akalain mo, bata pa lang pero ubod nang bait at gwapo! Siguro ay sobrang gwapo rin ng tatay o kuya non! Kung sakali— Ay, jackpot!"
Hinampas ko siya sa braso. "Pakarat ka talaga, Nena."
"Eto naman si sir, mapagbiro!" Hinampas niya rin ako sa braso habang tumatawa. "Pero eto na nga, alam mo na ba ang chika?"
"Ano?" Intresadong tanong ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Uuwi na raw si mama mo rito sa Pilipinas! Sa katapusan, bago ang birthday mo!"
Literal akong napanganga sa narinig. "T-Talaga? Ilang araw na lang bago ang katapusan ah?"
Noong bago pa lang siya mag-abroad sa Saudi, gusto kong umuuwi siya tuwing may mahahalagang okasyon, katulad na lang ng birthday ko o pasko. Pero ngayon, nasanay na ako na wala siya, kaya kahit gustuhin ko man na matuwa sa balitang nasagap ko, parang normal na lang sa akin ang pakiramdam.
Nagpaalam na ako kay Nena. Sa jeep na ako sumakay para mas makatipid sa pamasahe. "Purok 1 po."
Walang traffic ngayon kaya ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa bahay nina Kenn.
Nakabukas ang malaki at kulay ginto nilang gate, pero walang tao. Pati yung isang guard na bantay noong huling punta ko rito ay wala rin. Nagtalo tuloy ang isip ko kung kusa na ba akong papasok sa loob o magpapasundo na lang kay Kenn?
BINABASA MO ANG
Dare to Court Him
Teen Fiction"I dare you to court him." "What?! You must be kidding me!" "Bro, chill. It's just a dare." "Sa iba na lang! Parehas kaming lalaki niyan. Hindi kami talo!" "Okay nga iyon, may thrill." Have you experienced the highschool love? Raven Sevino had... bu...