YANNA'S POV.
third day after start of classes
"Seryoso ka ba dyan, bessie? Ginawa lahat ni Andy para makapag-enrol siya dito at maging classmate mo sa lahat ng subject?" hindi pa rin naniniwalang tanong ni Krissel.
"Yeah, sabi ko nga dapat di niya na lang 'yun ginawa kasi baka ma-stress lang siya lalo dito."
Inirapan ako ni Krissel. "Diba dapat sinasabi mo rin 'yan sa sarili mo? Mayaman ka na, 'wag ka na kayang pumasok?"
I sighed. "Boyfriend mo?" pag-iiba ko ng topic, ilang beses na akong pinipilit ni krissel na tumigil na lang sa pag-aaral, alam ko naman na iniisip niya lang ako, iniisip niya 'yung kalagayan ko.Saka sayang naman, konting taon na lang, ga-graduate na din kami.
"I'm here." biglang sulpot ni Sky sa likod ko.
Hanggang ngayon kasi, kaklase ko pa din 'yan si Sky pati na rin si Kenken.
"Tara na sa room? Hahanap pa tayo ng upuan. Hahanapan pa natin si Kenken."
Napansin kong kumunot ang mga noo nila. "Bessie, mag move-on ka na 'dun. Daming gwapong artista ang umaaligid sayo."
Ewan ko ba, pagkatapos nung scene namin sa Wendy's, lagi na nilang pinagpipilitan na maghanap na ako ng bagong boylet. Ano bang nangyari?
"Bakit ba ayaw niyo na kay Kenken?"
"Ah··Ano kasi.."
"Ano bessie?"
"Kasi baka malay mo, may mahal na siyang iba. Baka naka move on na sayo si pinsan." diretsong sabi ni Sky.
"Babe!" rinig kong bulong ni Krissel kay Sky.
"Possibilities lang naman." Agad na bawi ni Sky ng mapansin niyang lumungkot ako. "Tara na sa room, Yanna?" dagdag pa nito. Hinatid lang kasi namin si Krissel sa room niya.
Tumango na lang ako.
*
"Andy, nandito ka na pala!" masayang bati ko.
Tumabi ako kay Andy samantalang sa likod ko umupo si Sky.
"Balita ko transferee 'din dito 'yung si Nica." Andy said.
Masaya ako na classmate ko ulit si Kenken, pero nabi-bwisit ako dahil pati si Nica, umepal pa. "Malay ko."
Dalawang araw na ang lumipas after nung pasukan, di pa rin sila pumapasok.
God knows how much I miss him.
"Andy, siya nga pala···si Sky. Sky, si Andy." pagpapakilala ko sa dalawa.
Nung una nag ka-ilangan pa sila para magshake hands.
"Sky pre." / "Andy."
Nag-uusap kaming tatlo nang biglang makarinig kami ng sigawan sa baba. Nasa second floor kasi ang room namin.
Agad na tumayo at lumabas ng room si Sky, mas chismoso pa 'tong mokong na 'to e.
Patuloy pa rin ang sigawan sa baba, mas lalo ngang lumakas e kaya pati kami ni Andy, na-curious na din. Palabas na sana ako ng room ng bigla akong hinarang ni Sky. "Oh? Bakit? Anong meron sa baba?"
BINABASA MO ANG
Falling in Love, Again.
RomanceCOMPLETED | FILIPINO | You're in love, he is numb. You fell in love, he neglected. He choose to leave you because of someone, you choose to fall in love again with another one. But then again, you've been played by that another one and then he came...