Chapter 38: Toy Story

935 11 1
                                    

The next day.

KENJIE'S POV

Nasa kusina ako at nagluluto nang bigla akong lapitan at kausapin ni Krissel.

"Ang aga mo naman gumising, pasado alas sais pa lang ah?"

"Ipagluluto ko kasi si Yanyan"naka-ngiti kong sagot.

"Mahal mo talaga siya no?"

"Oo naman. Mahal ko talaga 'yun, sobra."

"Oh talaga? di ba fake lovers lang naman kayo?"

nabitawan ko ang hawak kong tinidor. Alam niya?

P-Paano?

"Huh? Ano ba 'yan, lawak ng imahinasyon natin ah?"pag-iiwas ko sa tanong.

"Alam ko ang totoo, Kenjie."

I sighed. "Paano mo nalaman?"

"Kilala ko si Yanna, hindi pa siya nakakamove-on kay Josh noon kaya imposible na naging kayo agad."

Umiwas ako ng tingin.

"Alam din ito ng buong barkada"she added.

Agad akong lumingon sakanya. "ehe-he-he, alam mo naman ako, medyo tsismosa"naka-peace sign na sabi niya.

Itinuloy ko na ang pagluluto. "bakit hindi mo sinabi samin na alam niyo na pala?"

"Kasi nga, kilala ko si Yanna, once nalaman niyang alam na ng buong barkada, maiilang na siya. Kasi iisipin niya, hindi naman kayo pero nagpapahlik siya."

I don't know what to say. Ganun ba talaga ang iisipin ni Yanyan? Sana ang isipin niya na lang kaya ko nagagawang halikan siya ay dahil mahal ko siya, mahal na mahal.

"Napapansin ko, iba ang pakikituring sayo ni Yanna. May problema ba siya?" she suddenly asked.

"I don't know. Ramdam kong meron pero ayaw niyang sabihin. Ano na bang nangyayari sakanya."

"Hindi ko din alam kenjie, ang tahimik na ngayon ni yanna, hindi siya nagshi-share sakin ng problema ngayon"

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon