3RD PERSON POV
Lumipas ang 4 na linggo, unit-unti ng nararamdaman ni Yanna ang panghihina. unti-unti niya na din natatanggap na maari na siyang mamatay. Iiwan niya na ang mga taong mahal niya. Iiwan niya na ang mga taong nagpapahalaga sakanya.
"Okay ka na ba anak?" tanong ng Mommy niya kay Yanna. Umuwi na din kasi ang magulang niya galing sa Canada.
"Ayos na po ako Mommy. Okay na ba itong suot ko?" tanong ni yanna
Ngumiti ang Mommy niya "Simpleng damit lang ang suot mo Yanna, pero ang ganda-ganda mo sa suot mong iyan"
Tumawa ng mahina si Yanna "Mapapalitan din naman ito mamaya"
Ngumiti ulit ang Mommy niya at niyakap siya "I'm so proud of you, Yanna"
Niyakap naman ni Yanna ang kanyang Mommy pabalik "Thank you Mommy.. I Love you"
"I love you too,princess."
"Ako? hindi ba ako pwedeng sumali sa yakapang 'yan?" singit ng daddy ni Yanna.
"Daddy naman e, halika nga dito" lumapit naman ang daddy ni Yanna sakanila.
"Mamimiss ko kayo" biglang sabi ni Yanna at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya. Sa loob niya, alam niyang kelangan niya ng lubusin ang pagkakataon na andito pa siya sa mundong ibabaw dahil baka bukas, hindi niya na ito magawa pa.
"Anak, malalampasan natin to. Gagaling ka" sabi ng Mommy niya.
Ngumiti ng may halonglungkot si Yanna. "Tanggap ko na po"
"Be strong, baby." may awang sabi ng daddy ni Yanna.
Yanna sighed. "I'll try mom and dad."
Muli, nagyakapan sila.
Sa ngayon, sa bahay ng mga magulang niya tumutuloy si Yanna.
Nagpaliwanag na rin ng mga magulang ni Yanna kung bakit hindi nila naisipang sabihin kay Yanna ang tungkol sa nakaraan---sa aksidente at kay andy.
KENJIE'S POV
Nag doorbell ako sa bahay nila Yanyan. Susunduin ko kasi siya. May shooting kasi kami ngayon.
"Oh iho, pasok ka muna."
BINABASA MO ANG
Falling in Love, Again.
RomanceCOMPLETED | FILIPINO | You're in love, he is numb. You fell in love, he neglected. He choose to leave you because of someone, you choose to fall in love again with another one. But then again, you've been played by that another one and then he came...