Chapter 56: the first kiss issue.

853 10 2
                                    


KRISSEL'S POV

Heto na naman siya, umiiyak.

Parang kaylan lang nung high school kami, umiiyak siya kasi nalaman niyang may girlfriend na si Kenjie, pero ngayon umiiyak siya dahil mahal na nga siya ni Kenjie pero pinabayaan niya lang 'to. Di ko naman masisi si Yanna··'yun yung sa tingin niyang tama.


"Yanna, bessie···wag na muna tayong mag conclude ng mga bagay bagay. Picture lang 'yan. It can be edited."

"or scripted." pag-sangayon sakin ni babe. "and besides kilala ko si pinsan, nasyado kang mahal 'non, hindi nga 'yun nagkaron ng girlfriend nung nasa Canada pa kami kasi alam niyang ikaw lang ang mamahalin niya."


Hindi pa rin nagsasalita si Yanna. Patuloy lang siya sa pag-iyak. "Bessie, magtiwala ka lang, ikaw ang mahal ni Kenjie." 

Tahimik pa rin siya pero pansin ko na tumigil na siya sa pag-iyak. Kinakabahan ako sakanya, ayokong napapagod siya.


Bumuntong hininga si Babe. "Yanna, alam mo bang ikaw ang first kiss ni pinsan?"

HUH?
Napatingin si Yanna kay babe habang nakakunot ang noo.

"Oy si bessie! Interesado···" i joked.


Iniwas niya ulit ang tingin samin. Luuh! Ang cute niyang mahiya.

"Seryoso, Yanna. Ikaw first kiss niya." babe said. Really? Akala ko sinasabi niya lang 'yun pampalubag loob.

Yanna sighed. "Di mo ako maloloko. Artista siya, hindi ba? Malamang may movies siya na may kissing scene."

"Hindi siya pumapayag sa mga kissing scene na 'yon. Alam mo kung bakit? Kasi gusto niya na ang first kiss niya ay yung taong mahal niya. Parang bakla no?" natatawang sabi ni babe.

Tumingin lang si Yanna kay babe. Parang tinitignan niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Bigla naman natawa si Babe. Eh?

"Bakit ka tumatawa?" Yanna asked.

Sinubukan munang pakalmahin ni babe 'yung sarili niya, tawa kasi ng tawa. "Tanda ko kasi 'yung kwento ni pinsan, 'yung tungkol sa first kiss niya, sabi niya nga unexpected daw 'yun e, ang laki nga daw ng utang na loob niya sa mga fans niya dahil sa kasisigaw nila ng 'KISS' eh hinigit mo daw 'yung kwelyo niya at hinalikan siya."

Tumawa ulit si babe. "At ang mokong kong pinsan, kinilig sa ginawa mo ng sobra. Habang kini-kwento niya nga sakin 'yun e namumula siya. Mukha siyang kamatis."

(See Chapter 22 )

Napansin kong napangiti ng bahagya si yanna. "Uy! Ngumiti na siya. Kinikilig na ang bruha." I joked.


"Sinetch ang kinikilig?" 

tumingin ako kung saan nanggagaling ang nakakarinding boses na 'yon. Anong ginagawa niya dito? "May masamang hangin nanaman dito. Invited ka ba? Alis! Chooo."


Inirapan lang ako ng baklang 'to. "Hi everyone!"

Bumulong ako kila Yanna at babe "Tara na? Ninja moves."

Nagdirediretso lang kami papalabas ng Wendy's.


"YAH!! Yanna Marquez! Pati ba naman ikaw iiwan mo 'ko?"

Napa sabunot na lang ako sa buhok ko. Ang tanga-tanga talaga nitong si Marshi.


Pansin namin ang bulong-bulungan sa loob ng Wendy's. Yan na nga ba sinasabi ko e, ang ingay kasi nitong si Marshi.



What to do? What to do?


"OMG! NAIWAN KO YUNG BAG KO SA CAR KO! IDOL, SAMAHAN MO AKO!~~~" at ayun, hinila na ni Marshi si Yanna papalabas ng Wendy's.




At eto kami ni babe, Natulala, di alam kung anong gagawin. Minabuti na naming lumabas kasi baka kami pa kwestyunin ng mga fans ni Yanna na nasa loob ng Wendy's.


Naglakad na lang kami palayo ni babe. Holding hands.



Napadaan kami sa isang book shop. "S-Sandali···babe di ba siya 'yun?"


Sinundan niya ng tingin 'yung tinitignan ko. Halata din sakanya ang gulat.

"Sky, tell me.. this is not happening." sana nagkakamali lang kami sa nakikita namin.


"Hindi ko rin alam ang tungkol dito." Naguguluhan niya ding sagot.


"Pano pag nakita niya 'to?" I asked. Siya ang inaalala ko.


"Sa ngayon hindi ko pa alam, basta ang importante ngayon, hindi niya muna to malaman at dapat lagi lang tayong nasa tabi ni···Yanna." he answered.

**chapter revised

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon