YANNA'S POV
Minulat ko ang mata ko, puro puti.
Nasan ako?
Sinubukan kong tumayo pero sumasakit ang ulo ko.
"Urgh." napahawak ako sa ulo ko sa sakit.
"Yanna? Teka, tatawagin ko lang ang doctor!”
"Tita?” hindi niya na siguro narinig pa ang sasabihin ko kasi agad siyang lumabas ng pintuan at narinig ko siyang sumigaw, tinatawag niya ata yung doctor.
Ano bang nangyari? Pinilit kong alalahanin ang lahat.
"Andy..." i whisphered.
Naaalala ko na ang lahat.
Napahawak ako sa puso ko, sumasakit ito. Sobrang sakit.
Huminga ako ng malalim, saktong bumalik na si tita kasama ang doctor.
Habang chini-check ng doctor ang vital signs ko, kinakausap ko si tita.
"Okay ka lang po ba tita?" nakita ko kasing para siyang galing sa iyak. Mugto ang kanyang mga mata.
"Ah, okay lang ako, pauwi na nga pala ang mommy at daddy mo bukas."
"Ganun po ba? Tita, asan po si Kenjie?"si Kenken, gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o narinig ko siyang nagsalita ng mahal kita, walang halong pagpapanggap.
"Siya ba 'yung artista?."
"Opo."
"Umuwi muna siya para magpalit ng damit"
Tumango ako. Totoo kaya lahat nang narinig ko? o baka nananaginip lang talaga ako?
"Maaari ka nang maka labas dito sa ospital mamaya, pero bago yun, nais sana kitang kausapin. Okay lang ba 'yun Miss Marquez?"
Tumango ako sa tanong ng Doctor.
KENJIE'S POV.
Nasa loob ako ng Kotse ko, pabalik na sa ospital. Kamusta na kaya siya?
BINABASA MO ANG
Falling in Love, Again.
RomansaCOMPLETED | FILIPINO | You're in love, he is numb. You fell in love, he neglected. He choose to leave you because of someone, you choose to fall in love again with another one. But then again, you've been played by that another one and then he came...