9

10K 229 28
                                    

"Ma? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, nang makita ko si mama na nasa harap ng apartment ko

"Bawal ko bang bisitahin ang anak ko?" Ngumiti siya at lumapit sa akin

Binibisita mo ako o may kailangan ka?

"May kailangan ka ba ma?" Kunot noong tanong ko

"Wala, may nalaman ako..." Biglang sumeryoso ang mukha niya

"Ano 'yon?"

"Parang hindi mo ako ina ah... Nalaman ko lang naman na kinasal ka na pala" seryosong sabi niya

"Paano ko ho sasabihin sa inyo, dahil siguradong hindi kayo pupunta"

Atyaka hindi naman totoo ng kasal na 'yon

"Lyn, nakuha mo na ba lahat ng gamit mo?" Dinig kong sambit ni Ace, mula sa likod ko

"Ikaw ba ang asawa nitong anak ko?" Tumaas ang kilay ni mama

"Yes po" ngumiti si Ace

"Aba! Naka jockpot ka pala Amor, mayaman!" masayang sabi niya at hinawakan sa mag kabilang braso si Ace

"I'm Ace Aiden Colton po" magalang na sabi ni Ace

Napairap naman ako ng palihim, hindi pa kami bati nito

"Colton? Ka ano-ano mo si Jacob Colton?" Kunot noong tanong ni mama

"Tito ko po" ngumiti si Ace

Bigla ay namutla ang buong mukha ni mama, at napalayo kay Ace

"Ma ayos ka lang?" Alalang tanong ko at nilapitan siya

"Hinde... Hindi pwede" nakatulalang sabi niya

"Anong ibig mong sabihin ma?" Takang tanong ko

"S-si Jacob..." Mahinang bulong niya

"Maam, are you okay?" Tanong ni Ace

"Uuwi na 'ko" mahinang sabi niya

"Ma, ihahatid kana namin. Ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko

"Hindi na, ayos na ako" ngumiti siya ng tipid at dali-daling umalis

"Ma!" Tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako nilingon. Tuloy-tuloy siyang nag lakad, hanggang sa makasakay siya ng taxi

"Anong nangyari kay mama? Parang takot na takot siya" kunot noong tanong ko

"Baka may koneksiyon ang mama mo kay tito Jacob" sabi ni Ace

Napailing ako at pumasok na ng apartment, at pumunta ng kwarto ko

"Lyn, are you still mad at me?" Malambing na sabi ni Ace

Hindi ako nag salita, kinuha ko ang dalawang maleta ko. At sinimulang kunin ang mga damit ko sa cabinet

Ayaw ko nalang mag salita, baka mamaya may masabi nanaman ako tungkol sa babaeng 'yon. Ako nanaman ang mag mumukhang masama

"I'm sorry, I'm sorry sa lahat ng mga nasabi ko sa'yo. Alam ko naman na straighforward ka, kaya please forgive me now" hinawakan niya ang kamay ko

Humarap ako sa kanya, at bumuntong hininga

"Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo... Wala akong karapatan na kontrolin ka, dahil secretary mo lang ako. Siya bestfriend mo siya, mas kilala mo siya. I'm sorry din sa lahat ng sibabi ko sa'yo" ngumiti ako ng tipid

Mali din kasi ang pinapakita ko sa kanya noong nasa ibang bansa kami, wala din akong karapatan magalit... Ang kapal naman ng mukha ko, boss ko siya tapos babastusin ko

"Gusto mo bang lumayo ako kay Himara?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya

"H-ha? Ano kaba! Hindi naman kita pinipilit" natawa ako, at tinuloy ang pag aayos ng damit

"Sabihin mo lang Lyn, gagawin ko" ramdam ko ang sinsero sa boses niya

Bigla naman akong na patigil sa ginagawa ko, at nilingon siya

"Nag j-joke ka ba?"

"No, I'm not... Seryoso ako Lyn" deretso niya akong tinignan sa mata

"Seryoso ka? Ace, ikaw ang mag d-desisyon diyan. Kung ako tatanongin mo, wag na wag mong puputulin ang pag k-kaibigan niyo ni Himara. Sayang ang pinag samahan niyo" ngumiti ako

Gusto ko din humingi ng pasensiya kay Himara, sa pag d-duda sa kanya

"I thought ayaw mo kay Himara?" Tanong niya

"Masyado ako naging judge mental sa kanya, gusto ko siyang kilalanin. Gusto ko ako mismo ang ma kakakilala sa kanya" ngumiti ako at sinara ang maleta ko

Nakita ko namang na pangiti siya at niyakap ako

"So, bati na tayo?" Humiwalay siya sa yakap namin at ngumiti ng malawak sa akin

"Hinde." Kunwaring seryosong sabi ko

Bigla naman napawi ang ngiti niya, napalitan 'yon ng lungkot

Gusto ko muna siyang asarin

"Why? May kasalanan pa ba ako sa'yo" takang tanong niya

"Oo." Pinanatili kong seryoso ang mukha ko

"Ano 'yon? Sabihin mo itatama ko" sunod-sunod niyang sabi

"Kasalanan mo sa 'kin ay ginutom mo 'ko, kakagising ko palang kanina ay agad mo akong pinag himpake. Wala pa akong kain" nakasimangot na sabi ko

Nakita ko naman parang na kahinga siya ng maluwag

"I'm sorry okay, ang tagal mong gumising kanina. Ma l-late na tayo sa flight natin"

"Tss. Buti nalang ay nakakain ako sa eroplano, nako. Kung sakaling wala akong kain buong biyahe ay mababaliw ako"

Ang sarap kaya kumain, hindi ma kukumpleto ang araw ko kapag hindi kumpleto ang kain ko. Pero kahit na malakas akong kumain, hindi ako tumataba. Dahil tuwing sunday ay nag w-work out ako

"I'm sorry, i-lilibri kita mamaya. Para ma kabawi sa'yo" ngumiti siya

"Sabi mo 'yan ha" pag sisigurado ko at tinapos na ang ginagawa ko

"Heto ba 'yong bahay mo?" Tanong ko kay Ace, pag kadating namin sa isang malaking bahay

"Yes, actually kakatapos pa lang nito"

"Ang ganda, pero mukhang nakakahinip tumira dito. Walang gaanong tao, tahimik din" pinalibot ko ang tingin sa buong bahay

"Hindi nakakahinip dito Lyn, madami kang lilibangin" ngumiti siya sa akin

"Good afternoon maam sir" sabi ng isang magandang babae na mukhang bata pa

Mukhang katulong siya, dahil sa suot niya

"Good afternoon, this is your maam Amor"

"Hi! I'm Amora Lyn" nakangiti kong sabi at nilahad ang palad ko

"Kingagalak ko po kayong makilala, maam Amor. Ako po si Stacey" ngumiti siya at tinanggap ang palad ko

"Ilang taon kana Stacey?" Nakangiti kong tanong

"Eighteen po" mahinhin niyang sabi

"Eighteen? Ang bata-bata mo pa para mag trabaho, hindi ka na ba nag-aaral?"

"Baby, nag aaral pa siya. Actually scholar ko siya, she volunteered na mag trabaho sa akin" sabi ni Ace

Na patango-tango ako at malawak na ngumiti kay Stacey

"Huwag mo na akong tawaging maam, ate nalang. Ituring mo akong parang ate mo" hindi ma wala-wala ang ngiti sa labi ko

"Okay po, a-ate Amor" nahihiyang sabi niya

"Ang cute mo" nakangiti kong sabi

"Ace!" Napalingon kami sa pintuhan, nang makita namin doon si Himara na may dala-dalang maleta

"Himara?" Kunot noomg sabi ni Ace

"I'm living here!" Masiglang sabi niya

Habang ako ay na paawang ang labi sa sinabi niya






:)




Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon