25

10.7K 202 26
                                    

Six years later...

Amor

"Aciel nasaan ang kapatid mo?" Tanong ko sa anak kong lalaki nang makita ko siyang pumasok na madungis

"Heto na nga ma... Wag kang magagalit. Mag promise ka muna" sagot niya

"Aciel sabihin mo na..." Seryoso kong sambit

May ginawa na naman kalokohan ang mag kambal na 'to

"Si Adriel ma nakipagsabunutan kay Tesang!" Deretso niyang sambit at tumakbo papalabas ng bahay

"Aciel! Bumalik ka dito!" Tawag ko sa kanya at sinundan siya

"Sundan mo 'ko ma! Malapit na mapatay ni Adriel si Tesang!" Sigaw niya

Napabuntong hininga ako at sinundan siya

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga batang 'to. Palagi nalang nakikipag away, palibhasa kasi tinuruan sila ni mama na lumaban

Lance Aciel and Leilani Adriel is my five years old twins. Si Aciel ay boy version ko, si Adriel naman ay girl version ng ama niya. Pero nakuha niya ang morena kong balat, habang si Aciel ay nakuha ang maputing kutis ng ama niya

Dito kami naninirahan ngayon sa maliit na baryo ng Pampanga. Heto ang naging taguan namin. At kung tatanungin niyo kung nasaan ang ama ko... Pinagtabuyan siya ni mama, sobra ang pagkamuhi niya sa tatay ko

"Adriel." Seryong tawag ko sa kanya nang makarating kami sa isang mula

Mukhang hindi niya ako narinig at napansin. Tuloy pa din siya sa pakikipagaway kay Tesang

"Adriel! Nandito si mama lagot ka!" Pambibwisit ni Aciel

Dahan-dahan naman humarap si Adriel sa akin at ngumiti

"Uwi." Seryosong sambit ko at inunahan silang mag lakad

"Lagot ka baluga!" Pambibwisit na naman ni Aciel sa kanya

"Ma si kuya oh!" Sumbong ng isa

Hindi ko sila pinansin. Tuloy lang ako sa paglalakad

"Hala ka hindi ka pinapansin ni mama, galit siya sa'yo"

"Ma!" Tuluyan ng umiyak si Adriel

Seryoso ko silang hinarap at binuhat si Adriel na nakahiga na sa daan habang umiiyak

Jusko po! Agad akong tatanda sa dalawang 'to

"Aciel. Wag mo na bwisitin ang kapatid mo" mahinahon kong sambit

Hindi ko sila pinagtataasan ng boses dahil kapag pinagtaasan mo sila ng boses ay lalo lang silang magiging matigas ang ulo. Kaya mas maayos na kausapin sila ng mainahon at ipaintindi sa kanila

"Ma binelatan ako oh!" Sumbong ni Aciel

"Adriel."

"Siya kasi ma tinatawag akong baluga. Hindi naman ako maitim diba?" Nakasimangot na sambit niya

Pinaupo ko siya sa kahoy na upuan namin pagkapasok namin ng bahay

"Anak... Hindi ka maitim. Morena ka, kaya wag mong papaniwalaan ang kuya mo binibwisit ka lang niya" sambit ko at pinunasan ang mukha niya gamit ang basang twalya

"Ikaw naman Aciel wag mo na binibwisit itong kapatid mo para hindi na kayo mag-away" saad ko kay Aciel at pinunasan din ang mukha niya

"Hindi naman too 'yon ma. Binibwisit ko lang siya" ngumuso siya

Bumuntong hininga ako at tinignan si Adriel

"Ikaw Adriel bakit ka na naman nakipag away kay Tesang? Nung isang araw ay ayos kayo" tanong ko habang hinuhubad ang madumi niyang damit pagkatapos hinilamusan ko na siya gamit ang basang towel

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon