21

9.3K 177 13
                                    

"Welcome back mga anak!" Masayang bati ni mama Adelle sa amin ni Ace pagka labas na pagkalabas namin ng airport

"I miss you anak" niyakap ako ng mahigpit ni mama Adelle

"Na miss ko din po kayo" nakangiti kong sabi

Hinarap ko si papa Spade at niyakap din siya

"Na miss po kita papa Spade"

"I miss you too anak"

"Hello, you're biological child is here" sabat ni Ace

Natawa kami nang makita namin siyang naka simangot

"Tampururut ka naman" nilambing ni mama Adelle si Ace at niyakap

"I miss you ma" nakangiting sabi ni Ace at gumanti ng yakap

"I miss you too my son" malambing na sabi ni mama adelle at hinalikan sa pisngi si Ace

Ace faced his father and they both do fist bump

"Miss you pa" nakangiting sabi ni Ace

"I miss you too anak"

"Let's go na mga anak, may naghihintay sa inyo doon sa bahay niyo" sabi ni mama Adelle at kumapit sa braso ko

"Ma inaagaw mo nanaman ang asawa ko" tampong sabi ni Ace

"Na miss ko itong si Amor, kaya akin na muna siya" pamb-bwisit ni mama

While me. I'm just looking at them while smiling, they both so cute when they always teasing each other

"Baby come here. Baka mapaglihian mo pa si mama. At baka magiging maarte din ang baby natin" bawi ni Ace at inagaw ako kay mama Adelle

Natawa ako nang biglang sumalubong ang kilay ni mama Adelle at sinamaan ng tingin si Ace

"Hoy baka nakakalimutan mong ina mo 'ko" masungit na sabi ni mama Adelle

"Tama na 'yan baka inaantay na tayo do'n" awat ni papa spade

"I hate you Ace" nakangusong sabi ni mama Adelle

"I love you too ma" nakangiting sabi ni Ace at inalalayang akong sumakay sa kotse

Pagka dating namin ng bahay ay agad sumalubong ang putok ng confetti. Napakislot tuloy ako

"Congratulations soon to be parents!" Masiglang bati nilang lahat

"Thank you" nakangiting sabi namin

"Pre gago ka, kaya pala hindi kana nagparamdam sa amin nag-asawa kana pala" sabi ng isang lalaki na medyo mahaba ang buhok

"Mas gago ka. Nalaman ko lahat ng mga katarantaduhan mo" sinuntok ni Ace ang braso ng lalaki

"Ano nanaman nalaman mo?" Kumunot ang noo ng lalaki

"Sa sobrang babaero mo. Pati kasambahay niyo tinira mo"

"Hoy hindi ko tinira 'yon! Kusa nga niyang binigay ang sarili niya sa akin" depensa niya

"Pinatulan mo naman" Ace shook his head

"Blessing 'yon pre" nakangising sabi ng lalaki

Grabe naman pagka babaero ng lalaking to! Buti nalang hindi gaanong babaero si Ace

"Tsk! Makakarma ka din loko ka"

"Hi I'm Wilson Evans Ruzzo" pakilala ng lalaking babaero, nilahad niya ang palad niya

Ngumiti ako at tinanggap 'yon

"I'm Amora Lyn"

"Ninong ako ng anak niyo ah!"

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon