36

14.1K 215 18
                                    

"Ace ano bang nangyayari?" Kinakabahan kong tanong habang nasa biyahe kami

"Your father ex, siya ang may ka gagawan nito" seryoso niyang sagot

Wala talagang puso ang babaeng 'yon! Pati mga anak ko ay dinadamay niya

"Ace please iligtas mo ang mga anak natin" naiiyak kong sabi

Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa mga anak ko. At kapag nalaman kong dinapuhan niya ang mga anak ko, ako mismo papatay sa kanya. Wala akong pakealam kahit makulong pa 'ko

"I will baby. Calm down, alam na ni daddy at tito Jacob kung nasaan ang mga anak natin. Kailangan muna kitang dalhin kina mama, bago ako susunod sa kanila" hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos niya 'yon

"Sasama ako Ace"

Hindi ko kayang maghintay lang. Hindi din ako mapapakali kapag hindi ako sumama

"Please baby don't be a hardheaded this time, ayokong pati ikaw ay mapahamak" mahinahon niyang sabi

"Wala akong pakealam Ace kahit mapahamak pa ako. Sasama ako" pag pupumilit ko

Bumuntong hininga siya at nilingon ako

"Fine, isasama kita. Basta sa loob ka lang ng sasakyan, wag kang lalabas" pagsuko niya

Tango lang ang isinagot ko at hindi na nagsalita pa

"Lyn, wag kang lalabas" sabi niya pagkadating namin sa lumang building

Tumango ako't tinignan ang labas. Nakita kong maraming sasakyan ang nakaparada sa labas, madami ding mga armadong lalaki

Sinunod ko ang utos ni Ace, hindi ako lumabas. Pero habang tumatagal ay parang nakakaramdam ako ng antok. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakatulog na ako

"Alison! Wag mong idamay ang mga bata at ang anak ko. Pwede naman natin pag-usapan 'to"

Nagising ako sa boses ng tatay ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, pilit kong ginagalaw ang kamay at paa ko. Pero hindi ko magalaw, tinignan ko ang paa ko na may tali

"No! I want revenge Jacob! Nang dahil sa Jessica na 'yan ay hindi mo ako magawang mahalin. Ginawa ko ang lahat para mapasaakin ka, nagtagumpay ako do'n... Pero kahit ako lagi ang kasama mo, si Jessica pa din ang iniisip at inahanap mo!" Galit na sigaw ni Alison

Tinignan ko si papa at si Ace na parehong seryoso ang mukha. Pero nang malipat ang tingin ni Ace sa akin ay biglang lumambot ang ekspresyon niya

"Ma! Natatakot po kami"

Napatingin ako sa gilid ko. Agad akong nabalot ng pag-alala nang makita ko ang mga anak ko na nakatali, 'kita kong nahihirapan na sila sa sitwasyon nila

"Mga anak, tiis lang kayo diyan. Maliligtas tayo" sabi ko

"Kami ang gantihan mo Alison. Wag mo ng idamay ang mga inosenteng bata"

"Kasalanan din ng anak mo ang lahat! Kung hindi lang siya umeksena ay ang anak ko sana ang minamahal ni Ace ngayon"

Kailan pa ako nagkaroon ng kasalanan sa kanya?

"Kaya kailangan na nilang mawala para maging masaya na ang anak ko"

Agad akong kinabahan nang dahan-dahan siyang lumapit sa mga anak ko habang may hawak na baril

"I don't know who your child is, Miss, you're insane" malamig na saad ni Ace

Paanong nakakaya ni Ace na maging kalmado sa ganitong sitwasyon? Habang ako dito ay natatakot at kinakabahan

"You know my daughter Ace" ngumisi si Alison "Stacey lumabas ka na anak"

Stacey? Anak niya si Stacey?

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon