16

9.9K 196 3
                                    

"Excuse me miss? Nandito ba si Aiden?" Napatingin ako sa babae na sumulpot sa harap ng table ko

"Yes, do you have an appointment to Mister Colton?" Tanong ko at ngumiti

"Nothing, I came here because I want too" masungit na sabi niya

Sira ulo ba 'to? Pupunta dito kasi gusto niya? Resbakan ko kaya 'to?

"I'm sorry Miss, you can't go inside. If you don't have an appointment with Mister Colton" seryoso kong sabi

"What? Hindi mo ba ako kilala?" Bwisit na sabi niya

Kumunot ang noo ko

Sino ba 'to?

"Hinde? Sino ka ba?" Patol ko sa kanya

Inuubos ang pasensiya ko e

"Ugh! Ako lang naman si Kate Sanchez, the popular Actress" mayabang na sabi niya

Actress? Ang dami kong pinapanood na drama, hindi ko man lang siya nasiyalan sa mga drama

"Artista ka? Bakit hindi kita napapanood sa mga drama?" Kunwaring inosenteng tanong ko

"You're getting on my nerves, papapasukin mo 'ko o ako mismo ang papasok at isusumbong kita kay Aiden. Ipapatanggal kita sa trabaho mo, you're so unprofessional" galit na sabi niya

Aiden huh?

"Busy nga si Mister Colton Miss, ang kulit mo" masungit na sabi ko

"Fine, If you don't want to let me in... I'll just call Aiden" kinuha niya ang phone niya at may dinial

Paano siya nagka number kay Ace?

"Hello Aiden, your secretary ayaw niya akong papasukin"

Ngumuso na parang tanga ang gaga

Narinig ko naman tumunog ang intercom

"Lyn, samahan mo si Mister Sanchez dito sa office ko kapag dumating siya" dinig kong sabi niya

"Okay" walang ganang sagot ko

Tinignan ko 'yong Kate na naka ngisi na

Sinong kausap ng gagang 'to kanina? Kung ang ine-expect ni Ace ay si Mister Sanchez?

Pinindot ko ang intercom

"Babae ang pumunta, pero Sanchez ang apelyido" sabi ko mula doon sa intercom

"Papasukin mo" sagot niya

"I'll accompany you" seryoso kong sabi at binuksan ang pintuhan ng office ni Ace

Pagka pasok na pagkapasok niya ay agad siyang lumapit kay Ace

"Nakakainis 'yong secretary mo Aiden, ayaw akong papasukin" nag pout siya

Ako naman ay napairap at tinignan ng masama si Ace, taka niya naman akong tinignan

"What are you doing here Kate?" Malamig na tanong ni Ace

"Wala, I just want to see you" malambing na sabi no'ng Kate

"Ace Aiden..." Seryoso kong tawag sa kanya

Sino ba itong babaeng 'to at parang close na close sila?

"Yes?" Tanong niya

"Who is this girl? At parang close na close kayo?" Masungit na tanong ko at tinuro ang hipon

"Hey, you're so rude to your boss. Fire her na nga Aiden, ang unprofessional ng kinuha mong secretary" maarteng sabi ni hipon

"Manahimik kang hipon ka masasampal kita, kita mo" galit na sabi ko at pinukulan ng masamang tingin si Ace

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon