34

14.6K 228 7
                                    

"Aciel anak tawagin mo na ang kapatid mo. Kakain na tayo" sabi ko sa anak ko nang pumasok siya para uminom ng tubig

"Opo!" Tumakbo na siya palabas ng bahay

Tinignan ko si Ace na nakaharap sa laptop niya. Maghapon siyang nakaharap doon

Si mama at papa ay wala. Lumuwas ng Manila, ewan ko kung anong gagawin nila do'n

"Bakit kasi hindi ka nalang bumalik ng Manila. Pwede mo naman bisitahin ang mga anak mo pagkatapos ng trabaho mo" seryoso kong sabi para mapaharap siya sa akin

"Lyn I promised to you na babawi ako. And ayokong hindi ko kayo kasama" mahinahon niyang sabi

"Bahala ka" walang ganang sabi ko at pinagpatuloy ang pagluluto ko

Ang hapunan namin ngayon paksiw na bangus. Tinanong ko naman si Ace kanina, sabi niya kinakain daw niya 'yon

"Ma si Driel inaway na naman si Tesang" sumbong ni Aciel pagka pasok na pagkapasok nila

Hinarap ko sila habang hawak ko ang sandok. Si Adriel na nakatago na sa papa niya, ang kuya niya naman ay binibwisit siya

"Adriel..." Seryoso kong tawag

"Ma siya ang nauna, lumaban lang ako" katwiran niya, nasa gitna siya ng hita ni Ace habang yakap-yakap ang bewang ng papa niya

Si Ace naman ay hinahagod ang likod ng anak niya habang nakaharap sa laptop

"Palagi mo nalang sinasabi 'yan Adriel. Hindi na tama ang pagsisinungaling mo ha, no'ng isang araw nagsumbong si Tesang sa'kin. Palagi mo daw siyang inaaway, at gusto ko ikaw mismo ang umamin sa'kin... Totoo ba ang sinasabi ni Tesang?" mahinahon na sermon ko

"Opo. Sorry ma" naluluha na siya

"Halika dito nak" tawag ko

Umupo ako sa single na upuan at nang makalapit siya pinaupo ko siya sa kandungan ko

"Anak... Diba palagi kong tinuturo sa inyo na bawal magsinungaling?" Hinaplos ko ang pisngi niya at nginitian siya

"Opo" nakanguso siyang tumango

"Bibigyan kita ng chance anak. Wag ka na ulit magsisinungaling, gusto mo bang hindi ka na samahan ni Tesang? Hmm?" Malambing kong sabi at pinunasan ang luha niya

"Hindi po" humihikbi na siya ngayon

"Wag mo na ulit awayin si Tesang para samahan ka niya lagi. Promise mo kay mama hindi ka na magsisinungaling" nginitian ko siya

"Promise po" ngumiti siya at niyakap ako

"I love you baby ko" malambing kong sabi at hinalikan ang sentido niya

"Labyu ma"

"Ay hindi ako sinasali" singit ni Aciel at nakiyakap sa'min

I love them so much

"Pa! Sali ka po para happy family tayo" tawag ni Aciel kay Ace

Ngumiti naman si Ace, lumapit siya at niyakap kaming tatlo

"I love you three so much" sabi niya

"Oh tama na may niluluto pa 'ko" sabi ko at binaba na si Adriel sa pagkakakandong sa'kin

Traydor talaga 'tong puso ko

Kinabukasan ay agad akong gumising para magluto ng almusal namin. Pagkatapos ay naligo handa na para pumasok sa trabaho

"Goodmorning ma!" Masiglang bati ng dalawa at hinalikan ako sa pisngi

"Goodmorning mga anak" nakangiti kong sabi at pinaupo sila sa upuan

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon