12

10.2K 199 18
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa gilid ng ulo ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ace na todo ang ngiti

"Good morning baby" malambing niyang sabi, at bigla nalang akong hinalikan sa labi

Linayo ko ang mukha ko at nakasimangot siyang tinignan

"Wala pa akong tooth brush!" Nakasimangot na sabi ko, at umupo ng kama

"It's okay, your lips are still sweet" ngumisi siya

At nang akma niya akong hahalikan ulit, ay agad akong bumaba ng kama. At dali-daling pumunta ng banyo, doon ay binuhos ko ang kilig ko

Humarap ako sa salamin at nangingiting hinawakan ang labi ko

Ang lambot ng labi niya! Gusto ko ulit maramdaman

Habang naliligo ako ay hindi maalis ang ngiti ko, dahil sa mag kasama ang bathroom at closet. Hindi na ako nag habalang mag tapis pa

At habang naghahanap ako ng isusuot ko. Biglang bumukas ang pintuhan, nakita kong si Ace 'yon at napatulala nang makita ako. Huli na ng mapagtanto ko na wala akong kahit na anong suot, kaya agad kong dinakmot ang mga damit sa closet at pinagtakpan sa pang ibaba ko at pang itaas ko

"Ano ba lumabas ka nga!" Singhal ko sa kanya, para mabalik siya sa katinuan

"I'm sorry!" Taranta niyang sabi

Pero ang loko nakatingin pa din sa buong katawan ko

"Titingin kapa e! Labas!" Inis na sabi ko

Gusto ko siyang batuhin ng damit, pero kapag binato ko siya ay maaalis sa pagkakatakip ang nasa katawan ko. Nakita ko naman bigla siyang ngumisi, at pinag krus ang dalawang braso sa dibdib

"Alis sabi e! Mag bibihis ako!" Naiinis na sigaw ko

"What if I don't want to?" Pamb-bwisit niya, at tinignan ako mula ulo hanggang paa

"Isa!" Sigaw ko

Pero ang loko, sumandal patagilid sa closet at nakangisi akong tinignan

"Dalawa!" Bilang ko, at tinignan siya ng masama

"Tatapusin muna kita mag bilang" hindi mawala ang ngisi sa labi niya

"Ace Aiden! Kapag na late tayo sa opisina sasapukin kita!" Bwisit na sigaw ko

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na batuhin siya ng damit mula sa closet, at huli na ng mapagtanto ko na nahulog lahat ang nakatakip sa bandang dibdib ko. Agad akong kumuha ng panibagong damit mula sa closet at tinakpan sa dibdib ko

"Ace! Na b-bwisit na ako sa'yo!" Naiiyak na sabi ko

"Heto na, lalabas na" tumatawang sabi niya, at pinihit ang doorknob

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na siya, pero akala ko lang 'yon. Dahil bumukas nanaman ang pintuhan at nakangising sinilip ang ulo niya

"By the way, nice boobs baby" nakangisi niyang sabi

Bago pa ako makapag react ay agad niyang sinara ang pinto, at dinig na dinig ko ang halakhak niya. Inis 'kong kumuha ng damit ko at nag bihis na, inayos ko muna ang mga nagkalat na damit sa lapag, bago lumabas.

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon