33

14.8K 213 22
                                    

"Ma!" Tili ng mga anak ko pagkababa nila sa sasakyan

Agad ko naman silang niyakap ng mahigpit.

"I missed you babies ko" malambing kong sabi at hinalikan ang tutok ng ulo nila

"Na miss din po namin ikaw ma" sabay nilang sabi

"Mga apo" tawag ni mama

"Lola!" Tili na naman sila at tumakbo papalapit sa lola nila

"Hay mga apo ko... Na miss kayo ni lola" malambing na sabi ni mama

"Na miss din po namin kayo lola" sabay na sambit nila

Tinignan ko si papa na nakangiting tinitignan ang mga anak ko

"Anak meet your lolo" sabi ko

Agad naman nilang tinignan si papa at niyakap sa binti. Napangiti ako dahil sa nakita

My babies is the sweetest

"Lolo!" Masaya nilang sabi

"Hello mga apo" nakangiting sabi ni papa at binuhat ang dalawa

Tinignan ko si Ace na mukhang nagulat nang makita si papa na kasama namin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay binigyan niya ako ng malamig na tingin

Ako naman ay inirapan siya at nag flip hair

Akala mo ha. Hindi mo na ako makukuha sa mga ganyan mong tingin

"Ma puntalan ke pa i Tesang (Ma puntahan ko muna si Tesang)" paalam ni Adriel

"Okay nak. Miss kana ni Tesang niyan" sabi ko at nginitian siya

"Wait Driel tuki ku! (Wait Driel sasama ako)" tawag ni Aciel at sinundan ang kapatid

"Anak anong sinasabi ng mga apo ko? I don't understand" tanong ni papa

"Puntahan daw muna ni Adriel si Tesang pa" paliwanag ko at hinarap si Ace

"Pasok ka muna" malamig kong sabi at unang pumasok

Pagkapasok niya ay nilibot niya ang paningin sa buong bahay bago umupo sa upuan

"Ikaw na lalaki ka. Mag-uusap tayo" sabi ni mama at tumabi kay Ace

Goodluck na lang kay Ace

"Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ni Ace

"Anong karapatan mo na saktan ang anak ko ha?!" Galit na sigaw ni mama at pinaghahampas si Ace

Agad naman akong lumapit sa kanila at inawat si mama

"Ma tama na!" Awat ko

"Hinde ayahan mo ako Amor! Kung ikaw hindi lumaban ako naman ang magbubugbog sa lalaking 'to" gigil na sabi niya at pinaghahampas na naman si Ace

"Jessica stop" awat ni papa pagkapasok niya

"Tarantado kang lalaki ka. Akala ko pa naman malaki ang respeto mo sa anak ko... Ilang beses ng na trauma ang anak ko dahil sa akin. Tapos ikaw na asawa niya sinaktan mo!" Umiiyak na sabi ni mama

Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko at hindi na din maiwasang maiyak. Tinignan ko si Ace na nakayuko lang

"I'm sorry po..." Sambit ni Ace

"Nalagpasan na ng anak ko 'yon Ace... Nang dahil sa'yo nadanasan na naman ng anak ko ang dinanas niya sa'kin" humihikbing sabi ni mama

Tumingala si Ace sa akin, binigyan ako ng nagtatakang tingin

"I didn't know" hindi niya inalis ang tingin sa akin

"Hindi mo alam dahil mas pinauna mo ang galit mo sa anak ko... Hindi mo alam ang pinagdaanan niya Ace noong pinagbubuntis niya ang mga anak niyo. M-muntik ng isakripisyo ni Amor ang buhay niya para lang mabuhay ang kambal. Hindi mo din alam kung paano magpakasasa sa trabaho si Amor para lang may pambili siya ng gatas at diaper para sa kambal. Hindi madali Ace... Hindi madali ang pinagdaanan ng anak ko" sumbat ni mama habang umiiyak pa din

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan ang magulang ko

"Ma, pa. Iwan niyo po muna kami" ngumiti ako ng tipid

Tumango naman si papa at inakay si mama palabas

"I'm sorry baby" humagulgol na siya

"Naging komplilado ang pagbubuntis ko. Kailangan namin mamili kung sino ang mabubuhay sa aming tatlo dahil baka hindi namin kayanin. Pero naging matatag kami, nairaos ko ang kambal na malusog. Kaya wala kang karapatan na sabihan na pabaya akong ina Ace" seryoso kong sabi at pinunsan ang luhang tumulo sa pisngi ko

"I'm sorry... Nabigla ako Lyn kaya ko nagawa 'yon"

No'ng galit na galit siya Amor ang tawag sa'kin. Ngayon Lyn na ulit

"Walang kwentang dahilan Ace. Walang kwenta, sana kinausap mo nalang ako. Baka sakaling nakapag explain pa 'ko"

"Kinain ako ng galit ko. I was hurt alot when you leave me, k-kaya nang makita kita ulit hindi ko maiwasang magalit. Anim na taon ko kayong pinahanap Lyn... Mas lalo akong nagalit nang dahil sa sinabi mong pinalaglag mo ang anak natin. I'm really sorry for hurting you physically" hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha niya habang nag tataas baba ang balikat niya

"Hindi tayo mag pinsan..."

"I already know that... Sinabi ni papa. Wala din kaming relasyon ni Himara, she have a husband now. Kasabwat ko siya para pagselosin ka"

"Pwes nagtagumpay kayo Ace. Hindi lang ako nagselos, nasaktan din ako. Mahal na mahal pa din kita e... Even you hurting me emotionally and physically" humihikbi kong sabi

"Forgive me Lyn..."

"Hindi madaling magpatawad Ace."

"I-i understand, I will wait until you already learn how you forgive me"

"Ma pa!"

Agad kong pinunasan ang luha ko nang madinig ko ang boses ng mga anak ko

"Ma, pa. Pwedeng dito nalang tayo tumira? Hindi ko kayang iwan si Tesang e... Ayoko din po doon sa bahay ni papa, malungkot. Walang kalaro" nakangusong sabi ni Ace

"Pero anak, sa Maynila ang trabaho ng papa mo" sabi ko

"Ah It's okay. Pwede naman akong mag work from home, doon tayo kung saan sasaya ang mga bata" sabi ni Ace at nginitian ako

"Yay! Dito na tayo ulit!" Masayanh sabi ng dalawa at tumalon-talon

"Baka magsisi kalang kapag nagtagal ka dito" seryoso kong sabi

"No it's okay. Sanay na ako"

"Ikaw sanay? E pinanganak kang may gintong kutsara sa bunganga e" tumawa ako ng peke

"You're wrong baby. Pinanganak akong mahirap lang kami, minsan na din kaming tumira sa ganitong bahay. Sinwerte lang talaga kami"

Hindi ko alam 'yon ah. Hindi naman kasi nabanggit ni Ace sa akin noon. At kaya pala walang ka arte-arte ang pamilya niya

"Okay, ikaw bahala kung gusto mong tumira dito" tanging nasabi ko

"Gusto kong bumawi sa inyo Lyn."

Biglang lumakas ang tibok ng puso nang hawakan niya ang kamay ko

Shit Amor tanda-tanda mo na kinikilig ka pa rin. Pigilin mo... Babawi ka pa





Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon