8

9.8K 242 6
                                    

"Ace, let's go to the eiffel tower!" Excited na sabi ni Himara, at hinila pa ang kamay ni Ace

Nakita ko naman na parang nag alinlangan pa si Ace na mag pahila sa kanya

"Lyn, let's take a picture doon" ngumiti sa akin si Ace

Wala naman akong ganang sumunod sa kanila

"Ahm Amor, take us a picture muna. Mamaya nalang kayo" plastic na ngumiti sa akin si Himara at binigay ang camera

Kapal ng mukha ah

"Ace, hold my waist" malambing na sabi ni Himara at nilagay niya ang kamay ni Ace sa bewang niya

"Ready na kayo?" Seryosong sabi ko

"Yes"

Hindi na ako nag bilang, agad kong kinlick ang camera

"Okay na" walang ganang sabi ko

Nakakatamad ang araw na 'to, gusto ko nalang matulog ng buong araw. Kaysa sa makita ko ang pagmumukha ni Himara

"Ace, smile ka naman" tila nag tatampong sabi ni Himara at ngumuso pa

Na pa make face naman ako sa kaartehan ng babaeng 'to

"Take us a picture again, Amor"

Hindi ko alam kung anong nanyayari sa sarili ko, nakikita ko palang na magkasama si Himara at Ace. Nakakaramdam ako ng inis

"Okay na" sabi ko at binigay sa kanya ang camera

"Thanks" tipid na sabi niya at tinignan ng mga litrato "Look Ace, ang ganda ng pag kakakuha nito. I'll post this on my instagram" ngumiti siya ng malaki kay Ace

Nakita ko naman sa akin ang atensiyon ni Ace at biglang lumapit sa akin

"Himara, take us a picture" sabi ni Ace

Nakita kong umirap ng palihim si Himara, bago kinuha ang camera ni Ace

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Ace ang bewang ko, at mas lalong pinalapit sa kanya

"Look at the camera"

Pareho kaming tumingin sa camera, at tipid akong ngumiti

"Ano pang gusto mong puntahan?" Nakangiting tanong ni Ace sa akin

"Let's go to the french restaurant Ace" sabat ni Himara

Paladisisyon ang babaeng 'to, ako ang tinatanong. Hindi ikaw

"Doon nalang" walang ganang sabi ko

"We'll talk later Lyn" bulong ni Ace sa akin

Hindi ko na siya pinansin, nauna na akong lumakad sa kanila

Pagka dating namin ng french reastaurant ay agad kaming nag order

"One poulet aux porto" sabi ko sa waiter

"I want... Saumon sauce endives" sabi ni Himara

"I also want, Poulet aux porto" sabi ni Ace

"You want to buy a pasalubong for your mom?" Tanong ni Ace sa akin, pagkadating namin ng la defence

"Oo" tipid na sagot ko

"Alright, punta tayo sa isang store dito" ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko

Pagkadating namin doon ay agad akong pumili ng sapatos para kay nanay, at para sa magulang ni Ace. Pati si Nancy ay binilhan ko din

"Ace, look at this!" Masiglang sabi ni Himara kay Ace

Pinakita niya ang isang dress kay Ace

"This is bagay to me diba?" Ngumiti siya ng malaki

"Yeah" tipid na sagot ni Ace at tinuon ang atensiyon sa pamimili ng mga relos

"Can you buy this for me?" Nag pa cute pa siya

"Just put that sa basket, ako na ang mag babayad" seryosong sabi ni Ace

"Thank you Ace!" Masayang sabi niya at pumili ulit ng mga damit

"Lyn, ayaw mong bumili ng para sa'yo?" Tanong ni Ace sa akin

Umiling ako "Ayoko ng gumastos, binili ko lang talaga ng mga pasalubong si mama at ang magulang mo" seryosong sabi ko

"Pumili ka na ng gusto mo, I'll pay" ngumiti siya

"Huwag na, baka bawasan mo pa sa sweldo ko" malamig na sabi ko at lumibot dito sa store para mag tingin-tingin

"Lyn, what's wrong with you?" Seryosong sabi ni Ace, pagkadating namin ng Hotel

"Wala, gusto ko na matulog" seryosong sabi ko, humiga na at tumalikod sa kanya

"Lyn, kung yung tungkol sa pinag awayan natin ang kina gaganyan mo... I'm sorry okay" mainahon na sabi niya

Humarap naman ako sa kanya at umupo sa kama

"Hindi mo ba napapansin?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"Ang alin?" Takang tanong niya

"May gusto sa'yo ang bestfriend mo" seryosong sabi ko

"W-what? Paano mo naman nalaman? Lyn, kapatid lang ang turingan namin ni Himara" natawa siya

"Alam mo, ang tanga mo. Obvious naman sa pinapakita niya sa'yo..." Deretso ko siyang tinignan sa mata "Sa pag yakap niya sa'yo, sa pag agaw niya ng atensiyon sa'yo para mapansin mo siya. At alam ko din na sinadya niyang sumama sa atin para makasama ka. Ano, hindi pa ba obvious 'yon?"

"Nag seselos ka ba kay Himara?" Seryosong tanong niya

Napatikom ako sa bibig ko ng dahil sa sinabi niya

Nag seselos nga ba ako?

"A-ako? Mag seselos? Bakit ako mag seselos e hindi naman kita gusto. Atyaka may rules tayo, rule number three. Don't fall inlove at me" pagpapalusot ko

"E bakit parang selos na selos ka kay Himara?"

Hilig niya talagang ipasok sa usapan si Himara

"Hindi ako nag seselos, ayaw ko lang talaga sa singkit na 'yon" mataray na sabi ko

"Tsk!, your behavior is not good anymore" malamig na sabi niya

Ako pa talaga ang nag mukhang masama huh? Nag straightforward lang ako

Ako yung tipo ng tao na una mo palang makikita ang isang tao, ay malalaman ko na kaagad kung mubuti ito o hindi. And straightfoward akong tao

"Edi ako na ang masama" iritang sabi ko, humiga na at tumalikod sa kanya

Hindi ko alam, pero bigla nalang tumulo ang luha ko

"I'm just stating the fact Lyn, hindi ka naman ganyan noon" seryosong sabi niya

"Sa dalawang taon nating magkakilala at magkaibigan, ngayon palang ako na disappoint sa'yo Ace. Ang manhid mo" umiiyak na sabi ko

"Why are you crying?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya

"Wala... Ace, gusto ko na umuwe" bangag na sabi ko

"Why?"

"Hindi magiging masaya ang bakasyon na 'to, kung puro tayo away" seryosong sabi ko

"Hindi tayo mag aaway kung hindi ka lang prangka"

"Pinanganak akong prangka Ace, hindi na mag babago 'yon. Kung ayaw mo pang umuwe, ako nalang mag isa uuwi" seryosong sabi ko

"Fine, if it's that what you want... We'll go home tomorrow" malamig na sabi niya

Hindi nalang ako nag salita, dinibdib ko nalang ang sama ng loob ko. Dahil alam ko na sa sarili ko na...

Natalo na ako, ako din ang sumira sa sarili kong rules... I already fall inlove at him

:)


HAPPY 1K READS!! THANK YOU SO MUCH!

Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon