Special Chapter

12.8K 229 9
                                    

"Ma! Si kuya oh!" Sumbong ni Adriel mula sa salas

Lumabas ako mula sa kusina habang may dalang sandok

"Ano na naman pinag-aawayan niyo?" Tanong ko

"Ayaw akong payagab umalis, kasama ko naman si Tesang" sumbong ni Adriel

"Aciel, bakit naman ayaw mong paalisin ang kapatid mo?"

"Ma gabi na. Baka may mangyari pa sa kanila kapag umalis sila" seryoso niyang sambit

"Ang oa kuya! Twenty one na 'ko. Hindi na ako bata" maktol ni Adriel

Bumuntong hininga ako at nilapitan sila

"Aciel tama ang kapatid mo. Hindi na siya bata, she's already twenty one. Kaya na niya ang sarili niya" mahinahon kong sabi

"Fine. Sasama ako, hindi ako makakapayag na kayo lang dalawa ang pumunta sa party na 'yon"

"Nakakainis ka! Bahala ka na nga" inis na sambit ni Adriel at lumabas ng bahay

"Anak bawasan mo ang pagka over protective mo sa kapatid mo. Baka maging ribelde 'yon sige ka"

Kaming dalawa ni Ace ay inaayahan namin ang mga gustong gawin ng mga anak namin. Ito lang si Ace ang over protective sa mga kapatid niya

"Ayaw ko lang naman na umalis siya ng ganitong oras ma. Delikado na sa labas"

"May sasakyan naman ang kapatid mo"

"Kahit na, sige po. Susundan ko na sila" sambit niya at lumabas na

Dito pa din kami nakatira sa pampanga. Ayaw umalis ng mga bata kung saan sila lumaki, ginawa namin ni Ace ay pinagawa namin ang bahay. Pinalagyan namin ng second floor

Hindi naman na nahihirapan si Ace sa trabaho niya dahil may pinagawa siyang hotel dito sa pampanga. Si Aciel na ang bagong Ceo ng AAC company

"Babe, narinig ko na naman ang boses ni Adriel. Ayaw payagan ng kuya?" Sambit ni Ace pagkapunta niya sa kusina

Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko

"Ayaw paalisin ni Aciel. Gabi na daw" sambit ko at ngumiti

"Hindi pa siya nasanay sa kuya niya. Gano'n na siya simula nang mag dalaga siya" sabi niya at natawa

Humarap ako sa kanya at niyakap siya sa bewang

"Ang bilis ng panahon babe... Ang la-laki na ng mga anak natin, tumatanda na din tayo" sambit ko at sinubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib

"Edi gawa ulit tayo" pagbibiro niya

Natatawa ko siyang hinampas sa dibdib

"Baliw, hindi na kaya ng matres ko" natatawa kong sabi

Sa totoo lang ay miss ko ng mag alaga ulit ng chikiting. Kung pwede lang ulit akong mag buntis ay papabuntis agad ako

"Kaya pa 'yan babe. Nasa fifty's palang tayo" natawa siya

"Tumigil ka babe. Malapit na 'kong mag menopause"

Humiwalay ako sa yakap namin at tinuloy ang niluluto ko

"Ma gutom na 'ko" sambit ng bunso namin mula sa salas

Rinig ko naman siya dahil hindi naman kalayuan ang kitchen at living room

"Wait lang anak, malapit ng maluto 'to" sagot ko at sinalin na sa bowl ang chicken barbecue na niluto ko

Pagkatapos ay dinala ko na sa lamesa. Nakita ko si Leonila at Leonilo na hinahanda ang mga plato sa table

The twin and Lincoln, their now thirteen years old. Si Marlo naman ay eleven years old

Diba hindi magkakalayo ang agwat ng edad nila. Ang sipag namin gumawa e

"Kakain na" sabi ko at nilapag na ang mga niluto kong ulam

"Uyy peyborit ko!" Masiglang sabi ni Marlo

"Pray muna. Sino mag li-lead?" Nakangi kong tanong

"Ako po" tinaas ni Marlo ang kamay niya

"Okay lead the prayer now anak" nakangiti kong sabi

"Papa jesus thank you po sa panibagong pagkain. Thank you din po dahil palagi kaming healthy, thank you so much po sa food. Amen."

"Let's eat!" Masiglang sabi ko

Kanya-kanya naman sila ng kuha sa pagkain namin

"Kuya nakakainis na ha, bakit mo sinuntok si Javier?"

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Adriel mula sa baba. Tumayo ako at sinuot ang roba ko

"She kiss you Adriel, kanina ko pa siya napapansin. Ganyan siya kung makadikit sa'yo" dinig kong sabi ni Aciel pagkababa

Nanatili akong nakatayo sa gilid ng hagdan. Hindi nila ako makikita dahil nakapatay lahat ng ilaw

"That's normal to us kuya" iritang sagot ni Adriel

"What the fuck Adriel. Anong normal?-"

"He's my boyfriend kuya. At dahil sa ginawa mo kanina ay parang binastos mo na siya"

"Tama na 'yan" sabat ko at nilapitan sila

"Ma" sambit ni Adriel

"Ikaw Aciel. Ayahan mo na ang kapatid mo sa gusto niyang gawin. Parang ikaw ang magulang sa atin" sabi ko at umupo sa sofa

Hindi na maganda ang pagiging over protective niya. Ayokong dumating sa punto na suwayin na ni Adriel ang kapatid niya

"Sinusunod naman lahat ng kapatid mo ang lahat ng sinasabi mo. Wala ka bang tiwala sa kanya? Dahil sa pagiging mahigpit mo, baka maging matandang dalaga itong si Adriel"

"May tiwala ako sa kanya ma. Pero sa lalaking 'yon wala"

"Kuya mabait si Javier. Talagang gano'n lang siya, touchy kapag magkasama kaming dalawa. Palibhasa kasi hindi mo pa nasusuyo si Tesang" bulong niya sa huling sinabi

"What did you say?" Kumunot ang noo ni Aciel

"Wala" masungit na sambit ni Adriel at inirapan kapatid niya

"Ayusin niyo 'yan. Ayokong nag-aaway kayo... Aciel 'yung sinabi ko ha" sambit ko at iniwan na sila

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay nakita kong gising si Ace. Hinubad ko ang roba ko at humiga sa tabi niya

"Away ulit?"

"Nagkasagutan sila. Si Adriel may boyfriend na"

"What? Bakit hindi ko alam 'yon?" Kumunot ang noo niya

"Kahit ako hindi ko alam, sinabi lang ni Adriel dahil nagkasagutan sila ng kuya niya"

"Saan ba nagma si Aciel babe? Hindi naman ako over protective sa'yo noon"

"Anong hindi. Mas over protective ka pa sa anak mo noon. Pagselosan ba naman si Josefa"

"Sinong hindi magseselos kapag nalaman mong nililigawan ng iba ang asawa mo?"

"Tsk! Wag na nga natin balikan 'yon" inis na sabi ko

"Ikaw nag open, tapos ako sisihin mo"

"Tulog na tayo" inaantok kong sabi

"Goodnight baby. I love you" malambing niyang sabi, naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo

"Goodnight, I love you too" sambit ko bago pinikit ang mata ko





Pretend To Be His Wife (Pretend Series #2) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon