Amirah's POV
_________
"Kumusta"
"Good Morning, Amirah" Rinig ko na agad ang hyper na boses ni Ashley sa malayo pa lamang. 3months na ang nakakalipas matapos ko siyang makilala at tila parang kahapon lamang ang lahat. Ang bilis lumipas ng panahon.
"Morning" I smiled
"Card Giving na mamaya. Kinakabahan ako, shet" She said while walking at the hallway. Hinatid ako ni Dad sa gate ng school at sinabi niyang siya na daw ang kukuha ng Card ko.
"same" I'm getting nervous time by time dahil sa ayokong malungkot si Mom and Dad dahil baka meron akong fail na grade. Hindi naman ako pressured pagdating sa grades ko but still kabado. Siguro ayoko lang dalagang maging failure at ayokong maging disappointment sa Family namin.
habang papalapit nang papalapit ang oras ng card Giving ay para akong mahihimatay sa kaba. Nasa labas kami ng Classroom at Inaantay naming makapasok lahat ng parents para masimulan na ng teacher namin ang meeting at Card Giving.
Habang nag-iintay ay hindi ko maiwasang kagatin nalang ang daliri ko sa kaba. Ayoko naman ipahalata kay Ashely na katabi ko dahil baka tawanan pa ako. Lol, kinakabahan din naman siya kanina e.
"tay!" Napatayo si Ashley sa kinauupuan niya nang makita ang tatay niya.
Napatunghay tuloy ako para makita ang tatay niya ngunit...
"Amirah?" Kuya Eliseo
"Kuya Eli?!" I give him a Hug. Nakita ko pa nga ang gulat ni ashley. Kuya Eli hug me back
" kumusta?" He asked
I don't know but konti na lamang ay iiyak na ako hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. "Ahm..ayos na kuya haha malaya na po" I inform him at nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti niya
"Congrats, Amirah..Malaya kana" He said. Tumingin naman siya kay Ashley na tila natulala at hindi makapaniwalang magkakilala kami ng tatay niya "By the way, this is my daughter Ashely"
Tumango-tango ako "Friend ko na po kuya.Binigyan nyo na naman po ako ng kaibigan hahaha" I laughed. Remembering ang naging kaibigan ko dahil kay Kuya Eliseo...kumusta na kaya si Elijah?
Tinawanan na lamang ako ni Kuya matapos kong banggitin yoon. Kinausap niya si Ashley sa panandalian at medyo lumayo ako para bigyan sila ng privacy. Habang tumatagal ay kinakabahan ako dahil sa wala pa din si Dad. Nasaan na kaya si Dad?
"Malapit na pong mag start ang meeting. All the parents, come-in na po." Sabi ni Miss
Humarap naman saaking muli si kuya Eli "See you around, Amirah" aniya. Ngumiti at tumango naman ako. naalala ko na hindi pa nga pala alam ni kuya Eli ang about kay Dad and Mom or maybe next time nalang.
nakapasok na si kuya Eli at lumipas ang halos tatlong minuto ay nakita ko si Dad kasama si...Mom?
Akala ko si Dad lang ang pupunta? ohh sheyt kinakabahan akong lalo, ah. Paano kaya kung may line of 7 ako sa card?
Mygaddd, wag naman po
"Hi, anak" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Dad sa likod.
humarap ako't tumingin saaking tatay "a..a hello po" nahihiyang hindi ko maipaliwanag.
"Alam kong kabado kana, kalma...hindi magagalit si daddy.." aniya
Gumaan ang pakiramdam ko na tila napawi lahat ng kaba ko "thank you po.."
Nagsimula na ang meeting at para akong nabunutan ng tinik nang malaman kong with honors ako!
"Congrats, amirah!!!" biglaang bati ni kuya Eli nang makalabas siya sa room.
"Congratulations, anak!" masayang bati saakin ni Dad
BINABASA MO ANG
Until the right time
FanfictionAmarah spends most of her life in the hospital as a fainting syndrome patient. Her life is full of routines, boundaries and self-control - all of which get put to the test when she meets Gavin, an impossibly charming teen who has the same illness. d...