Chapter 10

11 0 0
                                    


"Katotohanan"

__________

Amirah's POV



"Ang huling pagkakaalam ko po ay naka-upo lang po ako at tatayo na sana para kumuha ng pagkain" paliwanag ko sa doctor na nasa harap ko ngayon. Nakahiga padin ako sa kama ko habang may nakatusok padin na dextrose sa ugat ko


"Amirah, lumalala ang sakit mo, iha." Aniya "Alam mo bang....dalawang linggo kanang walang malay?" Aniya na tila gumunaw at nagpagulat sa sarili ko


"Po? Hindi po ba kahapon lamang iyon? doc....ba-baka naman po nagkakamali lang kayo" nanginginig at kinakabahan ko'ng tanong. Baka kase mali lang ngunit hindi siya nakasagot


"Si...si kuya Eliseo po?" kinakabahan kong tanong sa doctor na hindi ko kakilala "Ang sabi niya po kase--a-alis na siya last week" hindi padin makapaniwala kong ani dahil sa nalaman kong dalawang linggo na akong walang malay.


"Wala na siya, Amirah. Nag retiro na siya"  aniya na ikinadismaya ko. Kita ko sa likod ng doctor ang mga taong hindi ko maalala kung sino pero  pamilyar sila. 


"Amirah, kamusta ka? anak" tanong ng isang lalaki katabi ang isang babae  may buhat-buhat ang babae na isang bata na animo'y nasa tatlong taong gulang pa lamang.


"si-sino po kayo?" Hindi ko mamalayang tanong. Tila kinakabahan na sa sitwasyon.


"A-amirah, I'm your Dad....a-and she's your Mom. Don't you remember us?" Kinakabahan niyang tugon. Tila nagdududa .


"Amirah" Pagkuha ng atensyon ko ng doctor na katabi ko "Kilala mo ba ako, iha?" tanong niya


"Hindi po...hindi ko po kayo kilala" nanlalambot kong sambit sapagkat hindi ko naman talaga sila kilala. 


"Dr. Liam, do you remember me? " dismayadong tanong niya. Hindi. Hindi ko siya kilala


Sino. Sino itong mga nasa paligid ko? May isa pang lalaki akong nakita na naka tayo sa may pintuan ko. Singkit siya at medyo matangkad. Huwag naman sana nilang sabihing kakilala ko din ito dahil wala. Wala akong kakilala sakanila.


Who are you people?!


🔅🔅🔅🔅



Until the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon