Memories
---------------
(Amirah's POV)
"Ineng ayus kalang ba?"
natauhan ako ng may isang nurse na kumulbit saakin. Dali- dali kong pinunasan ang mga luha ko at tumango naman sakanya. Nag lakad na akong muli para kumuha ng mainit na kape. Nanghihina at masyado pang putla ang mga mata ko.
Pagkabalik ko sa room ko ay nakita ko si kuya Eliseo na nag lilinis ng hospital room ko. Araw-araw ganito ang trabaho niya. "Hello po kuya" malugod ko siyang binati.
Ngumiti siya saakin "Good morning din Amirah" sambit niya. "Kumain kana diyan" sabay turo niya sa lamesa ko na nasa dulo ng room. Napatingin siya sa kapeng dala ko at napa simangot "dapat sinabi mo saakin na gusto mo ng kape, dapat tinawagan mo ako" he pouted at sabay tumuro sa teleponong nasa side table ng bed ko. Medyo may kaidaran na din siya. I guess mga nasa 40's na rin siya.
Mahin-hin akong tumawa at sinabing ayos lamang. Nagpatuloy siya ng pag-wawalis. Inaya ko siyang kumain ngunit sabi niya ay kumain na daw siya kanina. Umalis na din siya pagkatapos niyang mag-imis. Kaya naiwan na ulit akong mag isa sa room. I'm already used to the feeling of being alone. Sa 3 years na pamamalagi ko dito, lagi akong nag-iisa.
I sat in my chair. Lima ang upuan dito para may upuan sinda Mom and Dad sa tuwing bibisita sila. Si ate Zoey ang panganay na anak ni Dad ay nag a-aral ng Medicine at si Kyle naman na bunso ay second-year high school na.
It hurts me a lot, buti pa sila nakakapag aral.
May isang baby na din si Mom, Hindi ko pa masyado nakikilala ang kanyang bagong asawa ever since naospital ako. Di ko naman sila nakakausap dahil feeling ko may galit sila sa akin dahil sinusustentuhan pa ako nina Mom and Dad.
But I'm still thankful to have them. Kahit hindi sila magkasama ay binubuhay parin nila ako. Thankful parin ako in that way.
Inilibot ko ang paningin ko sa room kung saan ako namamalagi. Isang simpleng hospital bed na may katabing table kung saan ko inilalagay ang salamin at mga gamot ko. At nasa harap ko naman ang isang parihabang table. Isang cabinet na nasa kaliwa ko. Light green ang kulay ng room ko. Pinaltan ito para di naman ganoong nakakailang. May bintana din ako sa tabi ng kama ko. Kita doon ang view ng buong city. Dito din ako madalas tumingin kapag nalulungkot ako.
Tumingin ako sa plato ko at biglang nalungkot. Hindi ako pedeng lumabas dahil ayaw ng mga magulang ko. Dahil daw possible na himatayin ako anytime. Kailan kaya ako magiging malaya sa lahat ng to?
And yes, hinihimatay ako kahit anong oras. Either no reason, bigla nalang akong mawawalan ng malay. Magigising nalang ako 2 weeks to 4 weeks na pala ang nakakalipas.
Napatitig ako sa pagkain ko ng may bigla akong maalala.
-Past-
"say ahh...." Utos saakin ni lola habang sinusubuan ako ng kanin.
"la, yung sabaw nakalimutan mo" I pouted. My lola chucked at my reaction
"Ohh ito na, madam..." sabay subo saakin ng sabaw ng sinigang. My favorite. Walang makakapantay sa sarap ng sinigang ni lola. "Ang cute mo talaga..." pang-gigigil pa ni lola sabay pisil sa pisngi ko.
Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa salas at dali-daling binuksan ang TV para manood ng Dora. My favorite cartoon!
9:00 a.m. palang pagkatingin ko sa orasan. Si lola din ang nag turo sa akin kung paano bumasa ng oras dahil mahalaga daw malaman yun. Ituturo daw kasi yun sa grade 2.
"Nakikita n'yo ba si Swiper?" tanong ni dora
"Ayun!" sigaw ko sabay turo sa telebisyon namin kahit alam kong di nila ako maririnig.
"Nasaan?" tanong muli ni Dora
"Ayun nga, asa likod!" sigaw kong muli. Nagulat ako ng biglang narinig ang tawa ni lola sa likod ko. Napaharap akong bigla at sinimangutan siya. Pero tinawanan lang niya akong muli. Nanood na akong muli hanggang sa matapos na ang Dora. Plano ko namang lumabas para makipag laro sa mga kapitbahay namin.
"Amirah" tawag saakin ni lola na nasa terrace at naka upo.
"bakit po?" magalang kong ani
"parito ka" aya niya saakin at pumunta naman ako sakanya at umupo sa tabi niya. "Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pangalan mo?" bigla n'yang tanong niya. Napaisip naman ako. Wala akong ideya kaya sinabi ko na hindi ko alam. Wala namang nababanggit saakin sinda Mom and Dad dahil parang wala din silang oras para saakin.
"Ako ang nag bigay ng pangalan mo..." nasabi niya at s'yang ikinagulat ko. Nakita niya ang pagkagulat ko kaya nag salita na siyang muli. "Amirah means Love" she said na s'ya namang ikinatuwa ko. Di ko inexpect na may kahulugan din pala ang pangalan ko. Noon ay parang ayaw ko dito kasi parang kakaiba. Wala namana akong mababago sa pangalang ibinigay saakin. Nagpaalam na si lola na pupunta sa halamanan niya kaya di ko na din naitanong kung bakit siya ang nag pangalan saakin at bakit hindi si Mom and Dad.....Di naman big deal yun kaya ayus lang. Ang mahalaga, Amirah means Love.
------------------------------
Natauhan ako ng biglang nalag-lag ang kutsarang hawak ko. Napasinghap nalang ako at napag pasyahang kainin nalang ang pagkaing nasa harap ko. Limang minuto ay natapos na 'kong kumain at niligpit ko na din ang mga pinag-kainan ko. Anytime ay babalik si kuya Eliseo para kuhain ang mga plato para maglinis.
Hinila ko muli ang dextrose kasama ko. Umupo ako sa kama at napasinghap. "A lot of unforgettable memoies...." Bulong ko sa sarili ko. Namiss ko yung panahong walang pinoproblema kung hindi ang mga nawawala kong mga laruan. Nung bata ako, gusto ko na may mga kalaro ako. Takot ako ng mag-isa. Pero habang lumalaki na ako I always like, I always choose to be alone....
At dun sa mga ala-ala na iyon, nandoon ang lola ko. Pilit kong gugustuhing balikan kahit yung pinaka sulok lang na alaala kasama ka, La.
BINABASA MO ANG
Until the right time
FanfictionAmarah spends most of her life in the hospital as a fainting syndrome patient. Her life is full of routines, boundaries and self-control - all of which get put to the test when she meets Gavin, an impossibly charming teen who has the same illness. d...