visit
--------------
(Amirah's POV)Inabala ko ang sarili ko sa pag babasa ng mga libro dito sa room ko. Pampalipas oras. May ipinapahiram na mga libro saakin si kuya Eliseo sa tuwing napapadaan siya sa library. Kaya may libangan padin naman ako dito.
Pede naman daw akong lumabas pero ayaw akong payagan ninda Mom and Dad. Minsan pipilitin ko din sila at sasabihing magpapasama naman ako.
Di ako sure kung kelan ko ulit sila makikita. The last time ay si Mom ang dumalaw dito at nag abot lamang ng pagkain. Wala siyang kasama. Di ko na din naman masyado tinatanong kung kumusta sila ng asawa niya, Nasasaktan lang ako.
My Dad is an Engineer while my mom is a.....dancer? Sa bar noon. Pero ngayon I guess saleslady siya.
4 years later after mamatay ni lola nalaman ko ang lahat ng tunay na pangyayari about sa paghihiwalay ng mga magulang ko. Bumukas na ang isip ko sa lahat ng pagsubok na hanggang sa kasalukuyan ay pinagdadaanan ko parin. I'm an illegitimate child. Hindi kasal si Mom and Dad. May pamilya na noon pa si Dad. May sariling anak na din siya. Si Mom ay isang dancer sa isang bar noon at dahil sa pagkahulog ng loob niya kay Dad.
Nabuo ako.
Masakit at hilaw padin saakin ang lahat ng sakit ng nakaraan.
Hindi ako tunay na anak, parang isa lang akong anak ng kabet ganon.
The 14 year old me, finally figured the truth. Si lola lang ang kumalinga saakin. Ewan.... hulog siya ng langit. Instead na mga tunay niyang apo ang alagaan niya, Ako ang inalagaan niya ang aksidente at pagkakamali ng anak niya.
Iniiyak ko lamang iyon.sampung minuto ang lumipas ay Inantok na din ako kaya natulog nalang din ako. Parang ang daming ala-ala ang pumasok sa isip ko ngayong isang buong araw.
But past is past..... I need to focus in front, in my goal
Hindi ako papayag na kainin ako ng takot ko, magiging maayos at gagaling ako.
Amirah pagkatungtong mo ng 18 magiging malaya kana sa pamilya mo. Kailangan mo lang maging malakas para mas mapabilis ang pag-galing mo.
Kailangan kong gumaling sa sakit na to para mabuhay at maging
malaya. That's the goal Amirah!Magiging masaya ako kagaya ni lola, kakayanin kong malagpasan lahat ng ito. Haharapin ko ang future ko ng ako lang. :)
1 day after
I wake up early. Excited sa pagbisita 'ninda Dad kasama ang pamilya niya. Sinabi saakin ni Dr. Liam. Doctor ko. Ngayon nalang ulit sila bibisita, miss na miss ko na sila!
Nilinis ko ang maliit kong room para kahit papaano ay nakapag handa manlang ako. Nanghiram ako ng walis kay kuya Eliseo at nagpatulong na din ako sa kanya.
9:00 a.m. sila dumating.
"Kumusta ang pakiramdam mo Amirah?" Tanong saakin ni Dad ng makarating. Kasunod niya sa likod niya si Kyle at si ate Zoe pati si tita Grace na asawa ni Dad. Masama ang tingin sa paligid. Pati saakin. Na para bang nag-aksaya lamang sila ng oras para aakin.
Matalim ang tingin nila sa paligid ng room ko habang nag lakad naman si Dad papuntang lamesa para ipatong ang mga pagkain na dala nila. Kasunod naman niya ang dalwa niyang anak pati ang asawa niya. Hindi ko alam pero tinamaan ako ng kaba at takot sa mga tingin nila. Si Dad lang medyo may pagka-amo ang muka.
BINABASA MO ANG
Until the right time
FanfictionAmarah spends most of her life in the hospital as a fainting syndrome patient. Her life is full of routines, boundaries and self-control - all of which get put to the test when she meets Gavin, an impossibly charming teen who has the same illness. d...