Chapter 5

26 4 0
                                    


"Friends"

---------------

(Amirah's POV)



"Amirah..."

Nagising ako sa boses ni kuya Eliseo. 8:30 na ng tumingin ako sa orasan. Tanghali na rin pala.

"hmm.. bakit po kuya?" inaantok na tanong ko. Nakita ko si kuya Eliseo na may kasamang isang lalaki...halos kaidaran ko din ata.

Napabangon ako sa gulat! Shemay may muta pa 'ko. Nakita ni kuya Eliseo ang reaksyon ko kaya napatawa narin siya. Nakatayo lamang ang lalaki at nakangiti saakin. Mukang mabait naman..halata na medyo mas matangkad ito saakin.

Inayos ko ang upo ko at ngumiti sa kanilang dalwa. " Amirah, 'to nga pala si Elijah bagong lipat diyan sa tabi ng room mo." Pag papakilala naman ni kuya Eliseo. Nginitian ako ni Elijah at nginitian ko rin siya pabalik. Chinito at maputi siya. May lahi kaya 'to?

"Hi" bati ko sabay lahad ng kamay ko at nakipag shakehands sakanya. Ipinakilala pa ito saakin ni kuya Eliseo. 15 years old daw siya at  may UTI kaya nandito. Wala pa siyang nakasabit na dextrose dahil mamaya pa daw siya dadalhan ng doktor. Ipinakilala siya saakin ni kuya Eliseo para daw may makaibigan ako.

And yep...After maipakilala saakin ni kuya Eliseo ay umalis na ulit siya para mapuntahan ang ibang pasyente. Naiwan kami ni Elijah dito sa room ko.

"Elijah, taga saan ka?" Nakangiting tanong ko

"taga malapit lang" Sagot niya sabay ngiti saakin. Lumingon siya sa bintana ko at napangiting muli "Ang ganda pala ng View mo dito"Ani niya

"kayanga e...By the way, kumusta sa outside world?" natatawang tanong ko. Suminghap siya na mas ikinatawa ko naman..

"hmm...Normal lang, Para naman tayong may mga sari-sariling mundo e. Minsan masaya, minsan may lungkot. Buti ikaw peaceful ka dito. " aniya Nasa gilid ko siya at parehas kaming nakatingin sa labas. Puro building at isang malapad na highway ang view dito.

"Peaceful nga, empty at malungkot naman. Buti nga yung mga nasa labas....malaya sila. Ikaw, naranasan mong maging Malaya." Nalulungkot ako habang sinasabi ang mga salitang 'yon

Napansin siguro ni Elijah ang lungkot ko kaya bigla siyang nag salita "Hayaan mo next time, ako bahala sayo" sabi niya na siya naman ipinagtaka ko. 'Nu daw?!

We had a lot of talks to know each other gaya ng nasaan ang mga magulang niya. Kung may lahi ba siya, sabi niya ay haft Chinese daw siya......Kaya pala may hitsura..

Sinabi pala ni Kuya Eliseo sakanya na takot din ako sa ipis kaya tinawanan niya ako. Naasar ako kaya hinampas ko siya. Nag tawanan lang kami habang nag-iintay sa dextrose niya. Nalaman din niya ang sakit ko nalulungkot ako habang sinasabi yung sakit ko. Baka kase layuan niya ako.

"fainting Syndrome? Madami na akong naririnig na ganon pero parang kakaiba yung iyo." Nag tatakang tanong niya "Pero 'ays lang yan. Gagaling ka din! Babalik din sa normal yung buhay mo pag nagamot nayan." Gumaan ang loob ko ng sabihin niya iyon.......i felt important.

Halos limang minuto kaming nag-usap ni Elijah sa room ko. Ngayon ko lang ulit naranasan na magkaron ng karamay. Nung una natakot akong ipaliwanag ang sakit ko pero I suddenly realize..... Lahat naman kami ng nasa ospital ay may pinag daraanan. Mabigat man o magaan nandito kami para maayos at gumaling, pare-parehas lang kaming may mga sakit.

Until the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon