Nandito ako ngayon sa construction site kasama si Mj.
"Daddy Malupy alam ko naman po un eh! Sinisiraan lang kayo ni Gregoryo kay mama Mel" sabi ni Mj habang kumakain ng gummy worms.
"Oo naman anak! Alam mo kase nak, mahal na mahal ko ang mama Mel mo kaya hindi ko kayang mawala sya kaya ganun ako ka paranoid everytime lumalapit si Gregoryo sa kanya" paliwanag ko sa anak ko ng biglang may magtakip ng mga mata ko.
"Guess who's here dear Malupet" Sino naman kaya ito and why english? Tinanggal ko ang kamay at nakita ang isang babae.
"So, hubby eto pala ang anak mo dito sa Pilipinas! so cheap! I bet her mother is ugly too" Pinagpawisan ako ng malagkit at natulala
"Hoy hindi panget ang mama ko! Sino ka ba?!" Sigaw ni Mj sa kanya.
"Oh wow! This one is a lil bitch! Hey there anak sa labas! oh, meet Joseph my son! Malupet's LEGAL SON!" Hindi ako magsalita kahit gusto ko magsalita. Nakita ko naman si Mj na tumingin saakin ng masama sabay tumakbo paalis.
Si Bella. Sya si Bella. Ang ex ko na probably napilitan ako. Hindi ko sya mahal! I didnt even propose to her because I dont love her pero pinagpipilitan nya. She have a boyfriend before we met and di ko sya nagalaw so paano magiging aken ung bata?! Sinungaling sya! Ipinapaako nya saaken ang bagay na di aken.
"Dont you miss your Son, Hubby?" Nakakainis! Tinerno pa nya sa pananamit ko ang suot ng anak nya.
"Ano bang ginagawa mo dito umalis ka na wag mo kame guluhin ng pamilya ko hindi ko anak yang anak mo!" Iniwan ko sya dun kahit narinig kong sumisigaw sya ng wait. Nakita ko naman si Gregoryo na nakasmirk saaken. Peste!
BINABASA MO ANG
Corny Pero Gwapong Engineer
FanfictionCorny man ako sa inyong paningin, wala akong pake dahil napapatangiti ko naman ang Babaeng nagpapaligaya saakin