Hahahazoned

152 6 36
                                    

"Hi Melchora! Ang aga mo naman magtinda!" Nginitian lang nya ako. Tsk! Mukhang mahirap to ah!

"Pagbilan na nga lang ng Isang Melchora! Eto puso ko bayad sa binili ko" kinindatan ko sya pero walang effect. Jusko kung si Lei nga kinindatan ko lang hinimatay na eh! Iba talaga tong babae na to.

"Bibili ka ba? Ang aga aga binubwisit mo ako" Umupo ako sa isang bangko na hinihigan lagi ni Asiong at tinignan sya ng nakakatunaw. Pero wala talaga eh!

"Tsk!" Nagsmirk na ko lahat lahat wala parin! Peste!

"Ayoko na magpaligoy ligoy pa Melchy my loves, pero maliban kay aling nena ikaw ang kaisa isang babae na nagpa----"

"JOSE MALUPET EVANS!" Nagulat ako sa tumawag ng pangalan ko. SI ALING NENA!

"Aling Nena!" Niyakap nya ako at nayakap ko rin sya. Kalat na dito nas may past kame. Pero at this time wala na akong nararamdaman sa kanya dahil nasilayan ng maganda kong mata si Melchora.

*********

"Mang Jeremaya!" Tawag ko sa isang lalake. Tatay daw ito ni Melchora.

"Aba! Bakit? Sino ka? Ano kailangan mo? Wala akong pera! Wag mo kong holdapin!" Jusko nagfreak out na!

"Chill po kayo! Upo muna po kayo! Ako po pala si Malupet kakambal ko po si Petmalu engineer po ako at magtatayo ako ng Resort dito sa Tondoville" tinaasan nya ako ng kilay at binara.

"Oh, anong pake ko?"

"Eto po Jack Daniels regalo ko po sa inyo! Tawagin nyo na rin po sila mang Carding! Kung kulang pa po eh tawagin nyo nalang ako sa tindahan ni Aling Nena! May regalo rin po ako sa asawa nyo at pauatayuan ko si Martin ng playground!" Mukhang tuwang tuwa naman to si Mang Jeremaya at pinapasok ako sa bahay nila. Pinicturan muna nya at inupload sa Instagram.

"Ay para sa inyo nga po pala!" Binigay ko ang isang kahon ng chocolates sa nanay ni Melchora. Ipinapasok ko na rin ang play ground ni Martin.

"Oh, Malupet! Bakit mo pala ginagawa to?" Inakbayan ako ni mang Jeremaya. Napalunok ako at sinabi ang tunay kong kailangan.

"Uhmm ganito po kasi un, trip ko pong ligawan si uhmmm, uhhh, Melchora? Kung papayag lang naman po kayo! Kung hindi po maghihintay naman ako!" Nakita kong kumunot ang noo nila.

"Aba'y ayos yan! Basta araw araw ka bang nagpapainom eh!"

*******

"Hi Binibining Melchora! Para sayo nga pala?" Tinanggap nya naman ang isang box ng fererro rotserzx na binigay ko at boquet of roses

"Bat mo ba ginagawa to?" Napatanong sya at napatalikod ako.

"Hmm... lets just say gusto kita! Sige mauna na ako! magpaplano pa ako ng designs para sa resort!"

"Hahaha" ay puta! Ayan ang ayaw ko eh!

"Wow nux hahaha zoned! Pero by the way alis na ako!"

Corny Pero Gwapong EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon