Lovelife Nila

68 5 10
                                    

Nakausap ko na si Maykol tungkol kay Juju. Si Kaloy naman ngayon.

"Pre ano? May problema ba?" Sabi saakin ni Kaloy.

"Pre bibilhin ko lahat ng paninda mo sa isang kundisyon, makikipag usap ka sakin at pawang katotohanan lang ang sasabihin mo!" Tumango naman sya at umupo kami sa isang bangko.

"Mahal mo ba si Lei pare?" Napayuko nalang sya bigla.

"Sumagot ka kaya!" Mga 4minutes na si parin nya sinasagot tanong ko.

"Pre kung liligawan mo si Lei ayos lang saakin! Break na kame pero actually hindi kasi hindi naman namin napag usapan to. Bigla nalang walang pansinan after nang away namen basta---"

"Puta nagtanong lang kung mahal mo si Lei andame mo nang sinabe! May Melchora ako! Duh?!" Sagot ko sa speech nya.

"Oo. Hindi ako tumigil na mahalin sya!" Sagot nito sakin sa mahinang tono habang nakayuko.

"Eh kung ganon bat mo nasikmura na sabihan sya ng ganon?" Tanong ko.

"Pre nadala lang ako sa emosyon! Lalake ka rin at alam kong alam mo naramdaman ko nun kapag tinataboy ka ni Melchora pero ang giliw nya sa iba... Ayaw ilantad ni Lei na kame pero si Jekeb at Asiong parang sila ang boyfriend nya! May narinig pa nga ako na sinabaysabay nya kame eh!" Salaysay nito habang tumutulo ang luha.

"Alam ko pare! Pero wag mong hayaang lamunin ka nang Pride at magsorry sa kanya!" Napaluha na rin tuloy ako. Naalala ko nung si Melchora lagi akong tinataboy pinagdidiskitahan kong sakalin ung puno nang alateris. Saan ba ako nagkulang sa panliligaw para hindi maappreciate ni Melchora? Nagkulang ba talaga ako sa effort o manhid lang sya?

"Pre sila na ni Maykol! Bestfriend ko si Maykol" kung alam mo lang kaloy.

"Pre basta magsorry ka! Gusto ko na magkaayos kayo ni Lei! Babae yanadadaan mo yan sa lambing at pakita mo na mahal mo talaga sya! Ewan ko nalang.kung di bumalik sayo yan!" Ako

"Bakit si Melchora?" Tanong naman neto. See this guy? Tinutulungan na nga eh!

"Mind your own lablayp! Basta pre remember, ikaw ang nauna kay Lei at ikaw ang totoong mahal nya!" Umalis na ako at dumeretso sa tindahan para bumili ng Fres na Blue.

"Hey Melchora! Are you a REINbow?" Tanong ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay as usual.

"Yan nanaman kakornihan mo!" Ilang beses nya na ako tinataboy pero ayoko sumuko dahil balang araw naniniwala ako sa sarili ko na masasabi kong 'buti hindi ko sinukuan ang taong mahal ko'

"Because your the Rainbow of my life after the Rain!" Kinindatan ko sya pero walang effect.

"Malupet tigilan mo na ako! Ayoko pa umibig, ayoko pa masaktan!" Sabi nya saakin habang inabot ang fres.

"Melchora hindi kita minamadali. Kung di ka pa ready edi hindi. Ang gusto ko lang maparamdam sayo na mahal kita! Kahit ilang taon handa kitang ligawan hanggang sa ready ka na!" Pagsabi ko nun, umalis na ako at sinadya si Asiong.

"Asiong mahal mo ba talaga si Jenjen?" Tanong ko kay Asiong. Mukhang nabigla sya sa tanong ko.

"H- ha? S- san mo n-naman nakuha yan M- Malupet?" Tanong nya saakin pabalik.

"Sus! Torpe ka pala di lang halata! Tayo tayo lang naman eh! Dali na! Usapang lalake!" Sabi ko.

"ah eh kase Malupet ganito y--"

"Tsk! Eto payo ko sayo Siong, Ligawan mo na bago ka maunahan ni Petmalu mas bagay kayo ni Jenjen!" Sabi ko.

"Pre"

"Asiong leche pabebe ka pa kalalaki mong tao! Maiwan na nga kita! Bye! Madame pa akong gagawen! Basta ligawan mo si Jenjen!" Dinaanan ko muna si Mj at pinakain sa Jollibee tapos umuwi na at ginawa ang dapat kong gawin bukod ang buong araw na pagtitig sa stolen picture ni Melchora sa folder ko na kasing kapal ng Dictionary.... Mahal ko talaga si Melchora. Pero bago ko ayusin ang lovelife ko, aayusin ko muna ang mga kaybigan ko.

Corny Pero Gwapong EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon