Mj

94 7 15
                                        

"Mj tara sa 168!" Kalalabas ko lang kasi ng construction site at naisipan ko lang ipamili ang anak ko..

"Bakit po daddy maggagabi na eh!" Lapit sakin ni Mj habang kinakain ang lollipop nya. Gusgusin pa sya jusko! Kababaeng tao ng anak ko.

"Basta! Kababae mo kasing tao ganyan itsura mo!" Dinala ko sya sa isang botique ng damit ng mga bata sa 168

"Miss pasukat nyo nga sa anak ko yun, un, yung kulay orange dun, ayun na skaters na un, ung ayun na pantalon, yung blouse na un at un!" Tinignan naman ako ng nakanganga nung babae.

"Sigurado kayong tunay na anak mo to ser?" Tanong sakin ng isa sa mga tindera.

"Oo anak ko yan nakaligtaan lang ng asawa ko sa labas! Pst Mj speaking of your mother nasan na pala si Melchora?" Tanong ko kay Mj habang tinatanggal ang grasa nya sa mukha.

"Daddy kasi hindi ko alam nakipaglaro lang ako kay Justin ng piko tapos di ko na alam kasi napagalitan mo ako" sagot nito.

"Sorry na nak kasi kababae mong tao eh ganyan itsura mo! Sige na miss pasukat mo na sa kanya lahat ng tinuro ko at kung may gusto pa sya ipasukat nyo rin!"Nagheadset nalang ako dahil kunwari wala akong alam. Yung ibang tindera kasi pinipicture ako. Mga 30 minutes ko rin hinintay si Mj.

"Sir, 5,890 po lahat!" Sabi nung isang babae at binigyan ko ng 6,000 keep the change. Ayan andami nang damit ni Mj! Magiging tao na ang anak ko! Kaya Lucio magready ka na

"San po tayo pupunta Daddy?" Tanong nito habang nakapasan saakin. Baka kasi mawala ko sya amdami pa namang tao at madami akong dala.

"Sa parlor paayos kita nak! Mukha ka nang bruha eh! Tsaka dun aayusan ka nila! Wala kasing alam sa pagaayos si Daddy!" Pumunta kami ng parlor at pinaayusan sya na nagtagal ng 3hours at expose na expose ako sa kalandian ng mga bakla.

"Nak suot mo to!" Kumuha kami ng damit na isa sa pinamili namin at salamat bumagay sa kanya. Kaso nakatsinelas syang pudpod.

"Tsk! Ang nanay mo talaga oh! Sabi ko diba wag mo na suotin yan pudpod na eh! Tara sa baba ng tutuban bili tayo sapatos at bagong tsinelas!" Magbayad na ako sa parlor at dinala si Mj sa bilihan ng sapatos at tsinelas. Pinapili ko sya ng tsinelas at binilhan ng 8kinds of shoes. May wedge, sandals, keds, converse etc. at dahil nakaskaters sya, pinasuot ko na sa kanya ang wedge.

"Oh diba? Sabi sayo nak wag ka na masyadong maglaro sa labas eh para hindi ka nagiging gusgususin!" Dinala ko sya sa jollibee at nagtake kami ng maraming selfies.

"Oh nak ano kakainin mo?" Tanong ko.

"Kahit ano po daddy nakakahiya naman po sa.inyo andami dami nating nipamili! Thankyou daddy!" Niyakap nya ako at kiniss sa pisngi. Tsk! Ambait talaga ng anak ko mana saakin kahit hindi ko talaga sya kadugo.

"Sige oorder lang ako bantayan mo yang mga pinamili natin sayo!" Umorder ako ng fries, sundae, dalawang chicken at coke float. Naubos naman namin lahat un ni Mj kasi nagutom kame kalalakad. Umuwi na kame at time check 11:32pm. Inihatid ko sya hanggang kanto lang kasi ayaw nya magpahatid sa tindahan. Ang saya ko ngayon kasi napasaya ko si Mj.

Corny Pero Gwapong EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon