Distansya o Ambulansya?

40 5 2
                                    

Dont talk, let me think its over! How we gonna fix this? How we gonna undo all the pain? Tell me, isnt even worth it?

Nyeta mali. Kumuha ako ng bagong papel at nagstart over sa pagsusulat.

HAY NAKO BAHALA NA! First monthsarry namen ngayon pala ni Melchy so I need to exert some efforts I need to make her harana.

Nga pala, kilala nyo si Gregoryo diba? Naiinis ako talaga sa kanya masyadong mapapel!

*Flash Back*

"Melchy my loves sorry nalate ako ng 30 minutes kase nagkaroon ng aberya sa property ng resort" Hingal na hingal kong sabe kay Melchy kase tumakbo ako.

"Ah sige naintindihan ko! Ang ganda ng property na inayos mo noh!" May binato sya saaking picture na kasama ko si Beeya.

"Whoa wait! Sinong hudas ang nagbigay sayo neto?" Wtf fuck eh wala naman talaga akong ginagawang masama.

"Si Gregoryo! Mabuti pa nga sya eh! Naalalang may date tayo!" Pinagsaran nya ko ng pinto.

*END OF FLASH BACK*

I REALLY HATE THAT DOG! THAT GREGORYO DOG NEED TO BE SKINNED ALIVE!!!!!

Bahala na nga! Basta dadalhin ko nalang si Melchy sa isang magandang lugar. Makaalis na!

"Melc---- Putangina mo!" Sinapak ko agad si Gregoryo na nakayakap kay Melchy ko at halatang chinachansingan nya ito.

"Hoy tama na!" Sigaw ni Melchora pero ginantihan ako ng Gregoryo kaya sinapak ko sya ulit. Hindi ko pinansin kung sino ang nakakakita at kung ano ang isipin.

"MALUPET! GREGORYO! ANAK TAMA NA!" Inawat kame ni Aling Nena sabay tinulak naman ako ni Asiong at Lucio.

"Ano ba nangyayare sa inyo?! Dati naman magkakaybigan kayo ah!" -aling nena

"Bro baket?" -asiong

"Yang gago na yan! Chinachansingan ang girlfriend ko! Kitang kita ko!" Sasapakin ko pa ulit sana ng isa kaso pumagitna si Melchy habang umiiyak.

"Malupet ano ba?! Tama na! Tama na tumigil ka na! Wala kameng ginagawang masama! Kinocomfort lang ako ni Gregoryo!" Parang ang laki ng galit saakin ni Melchora. Ano bang nagawa ko?

"Melchy? Kitang kita ko kase kung pano nya hawakan ung likod mo" mahina kong sabi.

"Niyakap lang ako nung taong nagke-care saaken! Na dapat ung boyfriend ko ang gumagawa!" Sigaw nya ulit habang umiiyak.

"What d- do you m-mean?" Tanong ko sa kanya.

"What do I mean? Kailan mo balak sabihin saaken na may girlfriend at anak ka sa Uk? Hanggang kailan mo ako paaasahin na pakakasalan mo? Hanggang kailan mo ako gagawing tanga Malupet?" Umalis sya at napatulala nalang ako dun. Itinayo ako ni Lucio at nilapitan ni Gregoryo.

"Pumili ka Malupet! Si Bella o si Melchora?" Nagsmirk pa ang gago.

"Ikaw ang pumili! Distansya o Ambulansya? baka gusto mo Purinarya!" Tinawanan ako ng baliw.

Corny Pero Gwapong EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon