Wearing my maroon V-neck tank top and ripped jeans, lumabas ako sa kwarto habang nag susuklay. Kakatapos ko lang i-blow-dry ang buhok ko nang makalabas ako.
Nadatnan ko si Giselle sa harapan ng kwarto ko, kakatukin na sana kung hindi ko lang nabuksan agad. Nag taas ako ng kilay sa kaniya. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero hindi naman nagka layo ang height naming dalawa.
“Anong kailangan mo?” tanong ko habang naka taas ang kilay.
She cross her arms in her chest as she keep staring. “Pinapatawag ka ng Kuya Vincent mo, bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka ba tinuruan ng Mommy mong mag suot ng maayos—” I cut her off, na iinis na.
“With due of respect, Giselle. Wala kang pakialam sa mga susuotin ko at sa gusto kong suotin. Pakialaman mo ang mga trabaho mo. I am not your business to take care of.” I muttered coldly pagkatapos ay binangga ko siya on my way to dining area kung nasaan si Kuya.
Na iinis talaga ako sa kaniya dahil sa pakikialam niya, pati sa susuotin ko may masasabi siya. Tapos kapag pinatulan ko may tsismis na makakalat patungkol sakin. Bwesit na pakialamera.
“Miss ka na non, panigurado.” I heard someone mumbled.
New voices and new faces, wala akong kilala except kina Zuella at Kuya Vincent.
“G’go.” Si Zuella. Sinagot ang sambit ng boses lalaki rin.
“Jusko itong si Stan parang tanga, alam mong nag mo-move on yung tao tapos pinapa alala pa.” isang boses babae naman ang narinig ko matapos sumagot ni Zuella. Halakhak at hiyawan ang nadatnan ko nang naroon na ako sa dining.
Zuella’s eyes met mine and I saw her study my expression and how I dress, I saw how her brows furrowed. “Kuya Vincent pinapatawag mo raw ako?” kuha ko sa atensyon ni kuya. Napatingin sa akin ang mga kasama nila, bale anim silang naroon. Dalawang babae at apat na lalaki kasama si Kuya at Zuella.
Tumaas ang kilay nong isang babae nang makita ako, napa taghoy naman ang dalawang lalaki sabay ngisi.
“Ito ba yung kapatid na sinasabi mo Vincent? Ang ganda niya na ah.” biglang sambit nong lalaking tumaghoy at nag lahad agad ng kamay sa aking harapan. “Hi! I’m Felix.” nakangiting bati niya, ayoko namang masabihang snob kaya tinanggap ko ang kaniyang kamay at hilaw na ngumiti. “Vanessa.” maikling pag paakilala ko. Sumunod naman iyong kasama pa nilang lalaki.
“Hello Vanessa ang cute naman ng name mo, bagay sayo. Asher nga pala.” Sambit din nong lalaking may kukay Asul sa buhok. I admit they are all handsome pati rin iyon babaeng kasama nila but they're not my type.
“Where are you going by the way?” tanong ni Felix nang mapansin ang panlakad na suot ko. Hindi na nila pinuna ang kaliitan nito siguro’y sanay na sila.
Ayoko rin namang punahin nila ako lalo na’t ganito talaga ang normal kong kasuotan sa manila.
“Mamamasyal lang, kaso pinatawag ako ni kuya kaya dumaan ako rito. Ano nga palang sadya mo Kuya?” tinanaw ko si Kuya para marinig ang sagot niya pero natangay ng atensyon ko si Zuella na tahimik lang habang hawak ang baso niyang may lamang beer.
YOU ARE READING
Flames Of Reputation (COMPLETED:GL SERIES UNDER PIP Collaboration )
General FictionVanessa Dacillo, also known as Van, is the daughter of the great high and mighty general of their province and was hated by many because of her attitude toward being a bratty Dacillo princess but suddenly fate played with her, and he ended up fallin...