Chapter 9 Feared.

256 22 0
                                    

My headache is very vulnerable, when I got up in my bed. Hindi ko mabilang kung pang ilang ulit na akong nag mura dahil sa sobrang sakit ng aking ulo, para bang pinupukpok ng kahoy sa sobrang sakit nito.

Just then I remembered, I drank liquor last night! Sinisid kung mabuti ang nangyari kahapon dahil kahit isang patak ay wala akong maalala pwera na lang nong bumyahe kami at nag lasing.

Kumunot ang noo ko ng may nakakahiyang eksena ang nagpakita sa akin isipan. I cringe and shrugged my head off, how embarrassed it could be kung ginawa ko talaga iyon sa katotohanan.

Can you believe it? Nag confess raw ako kay Zuella, how f’cked up is that? So strange. Maybe it’s just my imagination is talking.

Hindi ako nag confess! Never akong mag coconfess.

Kahit masakit ang ulo ay pinilit ko ang sarili kong tumayo patungong banyo upang maligo at mag toothbrush. After taking a bath and all, lumabas na ako ng kwarto iksaktong dumaan si kuya Vincent at binati ako.

“Kakain na.” maikling anyaya niya, na tulad ko'y masakit din siguro ang ulo.

Nang nasa may dining na ako, nadatnan ko sila Felix, Nashville, Jehana, Shane, Stan at Zuella sa hapag, tahimik at animoy may tensyong namamagitan habang kumakain sila.

“Vanessa! Let's eat.” si Jehana ang unang nakapansin sa akin roon, napatingin sa  ’kin si Stan at Nashville. Kapwa binati ako. I smiled softly at her invite.

Umupo ako sa upuan na kaharap ni Nashville dahil iyon lang naman ang upuan na bakante, ang ibang upuan kasi ay may nakalagay na bag na sigurado akong pag mamay ari ng kaibigan ni kuya.

“Last night was a blast, I can't remember anything.” panimula ni Shane sa karansan niya kagabi. I tried to reminisce everything what happened last night but all I can recall was me drinking alcohol while Jehana is kissing a stranger in the middle of the sandust and after that, we play truth or dare. We were having fun until my brother decided to go home since he has a flight tomorrow, so we are about to leave but I saw Zuella right before I went inside the van.

Zuella and I talked about something and suddenly I confess... What the F’ck!

Nabitawan ko ag kutsarang dapat na isusubo ko, yumanig ang lamesa dahil doon na naging dahilan ng pag tingin sa akin ng mga tao roon. Bigla akong nabilaukan sa sariling laway nang maalala ang nangyari kagabi.

Reminiscing what happened last night is definitely no good!

“Are you alright?” binigyan ako ng isang basong tubig ni Jehana nasa tabi ko kasi siya at madali niya akong naalalayan. “You’re so red, what happened? Is there something happened Van?” Kuya asked, nag aalala habang dinadaluan ako.

Pinilit kong umiling at mag salita pero nauubo ako kahit wala namang laman ang lalamunan ko. F’ck!

I just... I just f’cking confess to her last night! And we kissed!

“Epekto ’ata yan ng alak, bakit mo kasi ininom yun.” pangungwestyun ni Nashville sa harapan ko, naka ngisi siya habang makahulugang tumingin sa akin.

“F’ck. I should have watched you last night, sa sobrang lasing ko rin hindi na ako nakapag isip ng tama.” Kuya caressing the back of my head. “That’s enough, here drink more water.”

“Kuya, hindi na ako bata.” sambit ko nang makainom ng tubig at nang nabawas-bawasan ang pag kati ng lalamunan ko.

“Kahit na, hindi ka na iinom ever.” si Jehana ang sumagot sa akin, she smiled at me cutely.

Flames Of Reputation (COMPLETED:GL SERIES UNDER PIP Collaboration )Where stories live. Discover now