Chapter 4: To The One Who Have Been Bullied

14 0 0
                                    

"A calm water will remain calm as long as no one disturbs it. "

****

Nanginginig parin ako nang bumalik kami ni Elian sa dorm. Tahimik man kaming nakahiga sa sarili naming mga kama ay punong- puno naman ang aming utak ng mga tanong na hindi namin malaman ang kasagutan. Kung siya, ang prinoproblema niya lang ay kung ano ako, ako naman ay higit pa roon. Bakit mayroon sila dito? Paanong nagkaroon ng mga taong lobo sa isang siyudad na ganito? Saan sila nanggaling at bakit meron sila rito? Higit sa lahat sinong baliw ang nagpatayo ng ganitong klaseng paaralan at bakit?

Kinuha ko ang bag ko sa lapag at hinalungkat ang loob nito para hanapin ang phone ko. Agad kong tinawagan si Daddy upang humingi ng tulong at ipagsabi sa kanya ang lahat ng nasaksihan at nalaman ko dito. Para ilipat na niya ako sa ibang school and most of all ay ibalita sa media na one of their favorite folklore stories is true. Hah!

Agad kong ikinainis nang ilang beses ko nang subukang maghanap ng signal ay wala parin. Hindi ko tuloy matawagan si Daddy. Lahat na yata nagawa ko pero kahit ni isang bar manlang ay wala. Naibagsak ko ang phone ko sa kama. Argh! Ano bang klaseng paaralan ito?!

Hinawakan ko nang mahigpit ang singsing na nakasabit sa locket. Siguro kung nandito si Mommy hindi niya ako itatransfer sa ganitong klaseng paaralan. Siguro sa Arturian niya parin ako pinag-aral dahil higit na mas maganda ang kalidad ng edukasyon doon kesa rito. Binuksan ko ang telepono ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Mommy sa wallpaper ko. Maraming nakakabanggit na kamukha ko raw siya maliban lang sa mata. Si Daddy raw kasi ang kaparehas ko. May pagkadark brown na may shade ng orange.

"Werewolves can't heal themselves that fast, "Biglang sabi ni Elian sa kawalan.

Naalala ko ang ginawa niya kanina nung inatake ako ni Andre o Brim; iyan ang tawag daw nilang lahat sakanya. Kahit na may pagkaweird at brutal si Elian ay mabait naman pala siya. Iyon nga lang ay paminsan-minsan lang.

Tiningnan ko ng nagtataka ang ngayon ay tulalang nakatingin sa kisame na si Elian.

"Akala ko isa ka rin, kaparehas namin... naamoy kasi kita. Noong bagong pasok mo dito sa kwartong 'to iba ang amoy mo kumpara ngayon kaya sinugod kita noon. Akala ko may ibang nakapasok sa kwarto. Pasensya na.

Tapos nagulat ako noong kinagabihan na bago ka matulog ay nag-iba na ang amoy mo. Inisip ko baka natanggal na ang kung anong nilagay mo sa sarili mo para hindi ka maamoy ng ibang kalahi sa labas ng school, "Tinitingnan niya ngayon ang mga kuko niya na parang nililinis.

"Akala ko talaga kalahi kita... namin. Iyon din siguro ang alam ni Brim kaya hindi siya nag-alinlangan na ipakita ang iba niyang pagkatao sayo kahit na transferee ka palang. Pero nang makita kong napagaling mo ang sarili mo nang ganoon kabilis ay nagkamali pala ako. Kaming mga taong-lobo ay hindi kayang pagalingin ang sarili namin kapag nasusugatan kami. Oo may abilidad kaming mapahilom ang aming mga sugat pero umaabot pa ito ng higit isang araw bago gumaling. "Pagkatapos ay tinignan niya ako na may seryosong mukha.

For odds and ends' sake! Come on Elian mas ginulo mo pa ako! Ano nga ba talaga ako at ano iyang sinasabi mo na nag-iba ako ng amoy? Inalala ko, hindi naman ako nagpabango kahapon. Ano bang ibig niyang sabihin?

Kinabukasan, tahimik lang kaming naghahanda para sa klase. Si Aureus nauna nang pumasok dahil may nakalap siyang importanteng balita kaya kailangan niya raw pumasok ng maaga. Hindi ko na naitanong kung anong balita iyon dahil umalis siya kaagad.

Si Elian naman bumalik na sa dati niyang pagiging tahimik at weird. Madalang na lang siya magsalita at kung susubukan ko siyang tanungan ay titignan niya lang ako ng masama pagkatapos ay lalayo na. Sabay kaming lumabas ng dorm pero mas nauuna siya sa paglalakad.

Buried PreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon