CHAPTER 22

153 3 0
                                    

XANDER'S POV

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tingnan siya papalabas ng classroom. Ni hindi ko nga  siya nagawang pigilan.

Masakit pala. Masakit palang mapag-iwanan. Masakit palang marinig mula sa kanya na hindi na ikaw ang laman ng puso niya Nakakagago. Tangina may iba na siyang mahal.

Hintay ko siya kanina at sinubukang magpaliwanag sa kanya pero binalewala niya lang ako. Ni hindi niya man lang pinakinggan ang sasabihin ko at pucha lang pinamukhan niya sa akin kung ano ang pinakawalan ko. Pinamukha niyang hindi na siya AKIN.

Lumabas na din ako ng classroom dahil wala na din naman akong mapapala ditto. Naglalakad na ako papuntang car park ng mahagip ng mata ko si Marlee na naglalakad malapit sa may gym.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero sinundan ko siya. Siguro dahil gusto ko lang malaman kung nagpapalusot lang siya o pupuntahan niya lang talaga yung sinasabi niyang boyfriend niya.

Nakarating na siya sa tapat ng gym at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob.

At nagsisi akong sinundan ko pa siya. Nagsisi ako dahil nakita ko lang naman kung paano siya lumapit at yumakap dun sa lalaking yun. Nakita kong andun din ang ibang members ng basketball team at inaasar pa sila.

At kung hindi ako nagkakamali, Dylan ang pangalan ng lalaking kayakap niya ngayon. Yung lalaking hinahanap niya kanina.

Boyfriend niya? Tangna lang.

Tumalikod na ako. Sapat na ang nakita ko para tumalikod. Pero hindi ibig sabihin nun, susuko na ako. Masyado pang maaga para sumuko. Hindi ako talunan. Pinapangako ko ring kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang mapunta lang siya sa iba.

Naglakad na ako pabalik ng carpark at tinawagan ko ang dati kong tropa na si Ian.

"Dude, where are you? Tara sa dating tambayan"- Ako

"Gago. Andito na ako. Kanina pa ako tumatagay."

"Tsk. Sige papunta na ako."

Nagdrive na ako at pumuntang Macoy's, yung bar na lagi naming pinagtatambayan dati.

"Hey Dude" bati ko sa kanya ng datnan ko siya sa dati naming pinipwestuhan.

"Woah! Musta? Namiss ka ng Macoy's, dude." Pabiro niyang sabi sabay tapik sa balikat ko.

Umupo na kami at umorder na ako ng alak.

BADASS? PAKI NYO!!

"Oh ano Mr. Hearthrob, musta ang pagbabalik mo sa Brightside?" Gago talaga 'to. Hindi pa rin pala 'to nagbabago.

"Ulol"

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-anong kagaguhan ng bigla akong nagtanong.

"Anong nangyari sa Brightside nung nawala ako?"

"Tss. Sa Brightside ba? O kay Marlee?" At binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Tiningnan ko naman siya ng masama at binatukan.

"ARAY!! Wala namang pisikalan, dude." Reklamo niya.

"Tsk. Kung anu-ano kasing lumalabas diyan sa bibig mo. Manahimik ka nga.

"Bakit? Totoo namang gusto mo malaman ang nangyari kay Marlee ng umalis ka diba?"

Tangna!! Kaibigan ko nga talaga ang mokong na 'to. Alam na alam niya talaga kung anong tumatakbo sa utak ko.

Pero tama siya. Isa lang talaga ang gusto ko ngayon. Ang malaman kung anong nangyari sa kanya nung iniwan ko siya.

"Hindi ko alam dude pero mukhang naka-move on na siya sa'yo. Siguro noong una, halatang-halata talagang sobra siyang nasaktan sa paghihiwalay nyo. Matapos nyong magbreak at di mo pagpapakita, lagi na siyang nagcucutting classes at pumupunta dito para magpakalasing. Muntikan na nga siyang bumagsak sa mga subjects niya." Anak ng!!Hindi ko akalaing ganun ang pinagdaan niya sa break-up namin. Ang gago ko talaga.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon