CHAPTER 5

279 5 0
                                    

**Zoe**

Kinaladkad ko si Marlee papunta sa girl's bathroom.

"Zoe ano bang problema mo?" sigaw ni Marlee sabay hampas sa braso ko.

Sinigurado ko munang nakalock ang pinto at walang ibang tao sa loob maliban saming dalawa bago tuluyang magsalita.

"Ikaw, anung problema mo? Ba't ka ba nageskandalo sa harap ng maraming tao kanina ha?!! Lumabas na naman yang devil side mo. At bakit ganun na lang ang galit mo kay Dylan? Anu bang ginawa sayo ng pinsan ko ha?!! Revenge?? Anong revenge ang pinagsasabi mo? Marlee.. may hindi ba ako alam dito? Sumagot ka!!"

" Gusto mong malaman? Sige. Yung pinsan mong yun..si Dylan..ang lalaking nagpahiya sakin sa mall kahapon. Yung sinipa ko. Ang gwapong lalaking pinagnanasahan mo kanina.

"A-anu?"

"O anu? Namula ka na dyan. Totoo naman diba? You're fantasizing your dear cousin a while ago."

"Of course NOT!!" depensa ko.

"Talaga?" paghahamon nya sakin.

"Oo na..oo na..Eh kasi naman..H-hindi ko naman kasi alam na si Dylan pala yun. Andami naman kasing gwapong lalaki diba? At hindi lang naman siya ang may brown eyes. Pero syempre kung alam ko lang na yung pinsan ko pala yung kinukwento mo,syempre hindi ako mag-iisip ng ganun.Okay?"

"Asus. Kadugo mo yun Zoe, mahiya ka naman."

"HINDI KO NGA ALAM!!! Atsaka ba't sakin napunta ung usapan? Diba dapat sayo?"

"Ano pa bang dapat kong ipaliwanag sayo? Yung Dylan na yun ang dahilan kung bakit nasigawan ko yung mga ibang estudyante kanina. At kasalanan din nila, masyado kasi silang tsismoso't pakialamera."

"Kahit na. Dapat kinontrol mo pa rin ang sarili mo. Masyadong malaking eksena ang ginawa mo kanina. Panigurado, usap-usapan na naman yan. Hindi pa nga nagsisimula ang pasukan, agaw eksena ka na agad."

"Hindi ko kasalanan yun okay. At sinubukan ko naman talagang wag magalit eh, pero nakakabuwisit talaga yang pinsan mo. Pagsabihan mo nga ung bwiset na un. At paki putol na rin ng mga sungay nya para naman mabasawan ung sama ng ugali nya. Marlee..magpinsan ba talaga kayo?"

"Aish. Tanungin mo pa ulit sakin yan, masasapak na talaga kita. Kanina mo pa ako kinukulit tungkol dyan."

"Eh kasi sobrang magkaiba kayo. Wala ka naman kasing sungay, pero siya meron, may buntot pa nga eh."

"Tss. Ayan ka na naman eh. Sa ugali medyo magkaiba kami. Pero sa looks and appeal, duh, di maikakailang magkadugo kami. Diba? Nasa lahi na siguro talaga namin at mga magaganda't gwapo.

"Tell me, what's the use of having a good looks, if you're a monster inside?"

"Ba't di mo tanungin ang sarili mo nyan?"

Her eyes widen,clearly offended.

"Leche. Hoy, hindi ako masama, alam mo yan. Lumalaban lang ako pag-alam kung nasa tama ako. I don't start fights. I stay away from it as long as I can."

"Yea. Whatever. So what's that revenge thing all about?"

"Ayun.Maghihiganti nga raw sya sakin dahil sa ginawa kong paninipa sa kanya kahapon. Tss. As if papatalo ako sakanya. Kaya sinabi kong maghiganti siya kung gusto nya. Alam ko namang hindi siya mananalo sakin. Ako pa kinalaban nya. "

"Marlee..sigurado ka ba diyan?" medyo kinakabahan kong tanong. Kilala ko kasi si Dylan hindi siya basta basta sumusuko. Pag may gusto siya, nakukuha nya. Losing was never an option to him. At ganun din si Marlee. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang natatalo siya. Kaya ako kinakabahan kasi alam kong walang magpapatalo sa kanila. Kinakakabahan ako sa kahahantungan ng larong ito.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon