CHAPTER 15

128 5 0
                                    

**MARLEE*

"Oh my God!! My precious bag. God, san mo nakuha to?"

"Kay Travis." sagot ni Zoe habang iniinom ang pineapple juice niya.

Lunch break na ngayon at nasa cafeteria kami sa usual table namin, kumakain habang nagkwekwentuhan. Same old stuff.

"Thank God. Nakabalik din sakin tong pinakamamahal kong bag." sabi ko habang yakap yakap ang bag ko.

"Hindi mo naman sobrang namiss ang bag mo ano." natatawang sambit ni Zoe.

Tiningnan ko lang siya ng masama. "Kasalanan 'to ng asungot mong pinsan. Buti na lang nahablot ko yung cellphone ko ng kaladkarin niya ako palabas ng coffee shop. Arggghh."

"Hahaha. Nakuwento nga sakin ni Travis yung nangyari. Hindi niya nga daw alam kung susundan ka pa niya that time o hahayaan ka na lang kay Dylan. Seems he choose the former."

"Kelan niya ba 'to binigay sayo?" sabi ko ng hindi parin kumakalas ng yakap sa bag ko.

"Kanina lang sa classroom. Ako na lang daw magbigay niyan sayo."

Oo nga pala. Magkaklase nga pala si Travis at Zoe.

"Ahh okay. Eh asan ba siya ngayon? I need to apologize sa pang-iiwan ko sakanya." sabi ko habang kinoquote ang salitang "pang-iiwan". Hindi ko naman talaga siya balak iwan diba. May asungot nga lang talagang umepal.

"Dunno." Zoe, shrugging her shoulders. "Baka nasa SC room. Nagbubusy-busyhan."

"Okay. I think I'll just drop by na lang siguro sa SC room mamayang uwian." sabi ko at kumain na lang rin ng lunch.

Nagkukwentuhan lang kami ni Zoe ng maputol iyon ng malalakas na tilian galing sa mga babaeng nasa likuran namin. Mga fan girls ni Dylan to be specific.

Lumingon ako at nakitang papasok na kasi ng cafeteria si Dylan kaya nagkakaguluhan na ang mga kakabaihan dito sa loob.

Tss. Hanggang ngayon ba naman head over heels pa rin sila kay Dylan? Di pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng lalaking iyon? Kasi ako sawang sawa na. Nauumay na ako sa pagmumukha ng seatmate kong yun. Pero 'tong mga babaeng to..Hayy ewan ko sa kanila.

Asa namang papatulan sila ni Dylan. At KUNG papatulan man sila, I'm pretty sure na papaiyakin lang sila ni Dylan sa bandang huli. Playboy nga diba?

But speaking of "iyak", hindi na ulit namin napag-uusapan yung pagdadrama ko kahapon sa bahay nila. Mukhang hindi naman big deal sa kanya yun. Ano ba naman ang pakialam niya sa akin diba?

"Dylan!! Why so gwapo?"

"God you're so hot."

Tss. Grabe naman 'tong mga nilalang na 'to. Ang sasakit nila sa ulo. Hindi ba sila nahihiya sa pinaggagawa nila. Nagmumukha na silang mga desperada. Gosh.

"Hindi ba sila titigil sa kakatili. Nakakairita na." napatingin ako kay Zoe at nakita ang iritadong mukha niya. Nabubuwisit na rin siya katulad ko.

"Ansarap nilang pag-uumpugin." dagdag ko.

"Pag ako talaga nainis, bubuhusan ko ng asido ang mukha ng pinsan kong yan. Tingnan na lang natin kung pagtilian pa nila si Dylan." Oww ang harsh. Nakakatakot 'tong si Zoe ha.

"Brutal much ha." nakangising sabi ko sa kanya. Tinawanan niya na lang ako.

Naisipan naming huwag na lang pansin ang mga tili ng mga nasa paligid namin at ipagpatuloy na lang ang pagkain namin pero nabigo kami. As if naman kaya namang balewalain ang mga tiling iyon.

Ang sakit sakit na ng tenga ko. Feeling ko anytime sasabog na 'tong eardrums ko. Aish. Pag di pa sila tumigil makakasapak na talaga ako ng tao dito. Nakakaubos ng pasensya.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon