CHAPTER 21

129 4 0
                                    

—MARLEE'S POV—

"X-Xander" Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para masiguradong siya nga ang nasa harapan.

At shit. Siya nga. Si Xander. Ang manloloko, at walang kwenta kong ex.

At anong ginagawa niya dito? Bakit ba siya bumalik? Wag niyang sabihing dito ulit siya mag-aral.Pucha lang oh.

"As I was saying" pang-aagaw pansin ni Ms. Nicole. "may bago kayong kaklase. I know you already know him since he's your former classmate" sabi niya saka tumingin kay Xander.

Mukhang di naman siya pinakikinggan ni Xander dahil hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sa akin. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong nasa utak ni Xander ngayon.

"Mr.Montecillo." tawag ni Miss sakanya.

Nabaling naman ang tingin ni Xander sa guro.

"For formality purposes, go introduce yourself."

Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago nagsalita.

"Hey classmates. There's really no need for introduction. But for those who don't know me I'm Xander James Montecillo." sabi niya saka tumingin sa may side ko.

Nacurious ako at tiningnan kung kanino siya nakatingin.

Kay Dylan??

Nakita ko silang nagkasukatan ng tingin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Xander. Tumingin ako sa tabi ko at napansin ang pagkuyom ni Dylan ng kamao niya.

What's happening? Anong meron?

"Welcome back Xander." sabi ni Miss Nicole. Tiningnan lang siya ni Xander. "You may now take your seat."

Naglakad na siya papunta dun sa assigned seat niya. At kung minamalas nga naman ako, dun pa siya pinaupo ni Miss sa likod malapit sa akin. Nice! Just nice!

Nagpatuloy na ulit sa pagdidiscuss si Miss Nicole. Pero hindi ako makapagconcentrate.  Kung ano ano na lang ang mga pinag-iisip ko.

At ang weird. Ngayon ko lang napansing pareho palang James ang second name ni Xander at Dylan. Another weird coincidence.

Speaking of Dylan. Tumingin ako sa kabilang side ko at nakitang nakakunot ang noo nito habang magkasalubong ang dalawa nitong kilay. Halatang badtrip ang lalaking to. Bakit kaya? O kanino kaya? Posibleng kayang dahil kay Xander? Pero impossible. Magkakilala ba sila? Damn. Ang dami na namang tanong sa utak ko. Hmp.

Sumulyap ako sa likod at napatingin kay Xander. Tulad ni Dylan, mukhang badtrip din ang isang 'to. Nakabusangot ang mukha.

Napailing na lang ako sa nakikita ko. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Ganun na ganun parin pala siya pagbadtrip. Tinititigan ko pa siya para kilatisin kung may nagbago pa sakanya ng bigla siyang napatingin sa akin.

 He caught me staring at him. But I was surprised ng bigla niya akong nginitian. Ngiting totoo, sincere at hindi fake. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya kasi hindi ko alam kung paano ako magrereact.

 I'm still shocked by the thought na andito na ulit siya. And worst, magiging kaklase ko pa siya. Pagkatapos niyang mawala na parang bula. Pagkatapos niyang di magpakita sa akin sa loob ng isang taon. Pagkatapos niya akong saktan at lokohin.  Pagkatapos niya akong ipagpalit sa iba. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya. Gago siya.

Hindi  ko namalayang breaktime na pala kung hindi pa ako kinalabit nitong katabi ko.

 "Oh bakit?" nagtataka kong tanong.

 Hindi siya sumagot sa halip ay hinawakan niya yung kamay ko at hinila na ako papuntang cafeteria.

 Tsk. Tingnan mo tong lalaking 'to. Ano na naman kaya trip nito. Basta-basta na lang nanghihila.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon