CHAPTER 1

725 11 1
                                    

Traffic sucks!!

Nakakainis. Sobra. Akalain nyo ba namang mahigit dalawang oras na akong nastuck dito sa traffic. At GUTOM na GUTOM na rin ako, kanina ko pa kasi naubos yung binili kong XL na fries at burger sa Jollibee. Buti na lang at naisipan kong magdrive thru muna kundi kanina pa ako hinimatay dito.

** ring..ring..ring **

"Hello"

[Hello mo mukha mo!]

"Wow ha. Highblood mo girl"

[ Eh sino ba kasing hindi mahihighblood ha? ASAN KA NA BA KASI?!!]

"Traffic KAYA! Dalawang oras na akong stuck dito."

[AT DALAWANG ORAS NA DIN AKONG NAGHIHINTAY SAYO DITO!!]

"As if may magagawa ako diba?"

[Lakarin mo na lang kasi]

"At iiwan ko ang sasakyan ko dito? Nababaliw ka na ba?"

[Hay nako! Ewan ko sayo. Basta bilisan mo ha.]

And she hung up...with a bang. Nabingi ako dun ha.

Haay ang bestfriend ko nga naman talaga. Kahit kailan. Siya na nga 'tong nagpapasamang mamili ng mga damit, siya pa tong malakas ang loob na magalit at sumigaw. Tss.

Buwisit naman kasi talaga tong traffic na 'to, eh di sana kanina pa ako nakarating doon.

- - - -

After 2 hours, nakarating na din ako sa mall.

Matawagan nga si Zoe.

"Uyy Zoe. Asan ka? Andito na ako."

[Sa bahay]

"ANO!!!" Napasigaw tuloy ako ng di oras. Napatingin sakin ang taong napapadaan.

[Aray naman. Wag ka ngang sumigaw diyan.]

"Eh akala ko ba mamili ka ng mga damit mo?"

[Tapos na]

"NILOLOKO MO BA AKO" sigaw ko ulit. At sa pangalawang pagkakataon nagsitinginan ulit ang mga tao.

[Hindi]

"Eh ba't mo pa ako pinapunta dito?"

[Para sana magpasama sayo,eh kaso anak ka siguro ni pagong,ang bagal mo, kaya nagshopping na lang ako mag- isa.]

"Nakakainis ka. Ba't di mo man lang ako hinintay o tinext man lang."

[Ah.. eh nakalimutan ko. Atsaka ganti ko na rin yan sayo sa pagpapahintay mo sakin. *evil laugh*]

"Buwisit ka " Binabaan ko na siya.

Nakakainis talaga. Iwan ba naman ako basta-basta, matapos akong magdrive ng halos apat na oras para makarating dito. Badtrip!!

"ARGHHHHHH!!!!" Napasigaw na lang ako sa sobrang inis. At yung mga tao, napatigil na talaga at tiningnan na ako. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako.  Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. Dali-dali akong naglakad papalayo sa kanila.

- - - -

Pagkatapos ng ginawa kong eksena kanina, napagdesisyonan kong magstay na lang muna dito sa mall. Sayang naman yung libreng AC. Aabusuhin ko na. Nandito na rin lang naman ako.

Window shopping lang talaga dapat ang plano ko, kaso may nakita akong magandang dress kanina sa Tomato kaya napabili ako ng di oras. Well, di ko naman pinagsisisihan kasi ang ganda talaga kasi nung damit. Swear. At bagay na bagay pa sa akin. Syempre bumili na rin ako ng sapatos na babagay dun diba. Para bongga.

Nang makaramdam ako ng gutom, kumain muna ako sa isang resto. At di pa ako nakuntento, nagtake out pa ako ng sundae sa McDo. Sorry, PG ako. Ahaha.

Naglalakad lakad ako habang kinakain ang inorder kong sundae. At dahil sarap na sarap ako sa kinakain ko, hindi ko na pinapansin ang dinadaanan ko ng...

B L A G ! ! !

Nauntog ako ( kung saan? Di ko alam, napapikit na kasi ako sa lakas ng pagkakauntog ko. ) at hindi lang yun, pagkatapos kong mauntog, natumba pa ako. At ung sundae??? Ayun, natapon sa mukha ko!!! huhuhu

NAKAKAHIYA!!!

Bubuksan ko na sana yung mga mata ko at tatayo na ng may narinig ako nagsalita...

"Miss, okay ka lang?"

*************

Hi guys!! Do you like this chapter?  Please vote if you do. And I would like to hear your insights.

Please vote and comment. Great thanks.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon