CHAPTER 3

484 5 2
                                    

*KNOCK! KNOCK! KNOCK!*

"Hoy Marlee! Gising na!!"

Haynaaako! Ayan na naman ang magaling kong kapatid. Kainis.

"Hoy Carter Panget manahimik ka nga dyan. Ang aga aga pa oh. Wag ka ngang mambulabog." sigaw ko sabay takip ng unan.

"Bumangon ka na dyan. Isusumbong kita kay Mommy!"

"Edi magsumbong ka. Mama's boy."

Hinintay ko siyang magsalita (este sumigaw ulit), ngunit wala na akong narinig. KATAHIMIKAN. Haay salamat. Sa wakas makakatulog na ulit ako. Say hello to sweet dreams again.

I was about to drift back to Dreamland nang may maramdaman akong malamig sa paa ko. Di ko na lang sana ito papansinin ng may maramdaman ulit ako,this time sa may braso naman. Before I could figure out what that cold feeling is, a pitcher of cold water was poured down my sleeping face. Napaupo agad ako sa kama ko. And there I saw, my stupid brother, standing beside my bed, smirking down at me.

Basang-basa ako. My hair's dripping wet. Yung mga unan ko, kumot at pati ung mismong kama ko, basang-basa rin.

My anger's about to explode any second now.

"What the heck was that all about?" inis na inis kong sabi, sabay bato sa kanya ng mga basa kong unan.

At hindi pa ako nakuntento. Tumayo ako at pinaghahampas siya ng tsinelas ko. Wala akong pakialam kung saan sya tamaan, ang mahalaga makaganti ako sa kanya.

"ARAY!!! Tama na!! Marlee..ARAY!" Ano ba! Sabing..ARAY!!..tumigil ka na. ARAY!!

Tumigil na rin ako. "You deserve that brother. " I said with a smirk. "Nakakainis ka, ba't mo ako binasa?"

"Ayaw mo pa kasing bumangon diyan eh. At mukhang effective na pampagising sayo 'to." sabi nya, habang pinapakita sakin ang ngayong walang lamang pitcher.

Baliw talaga 'to.  Kahit sino namang tao ang bubuhusan mo ng malamig na tubig ay magigising.

"Leche. Lumayas ka nga sa kwarto ko." At kinaladkad ko na sya palabas ng kwarto ko.

"Bilisan mo sa pagbibihis ha. Hinihintay ka ni Mommy sa baba." sabay sarado ng pinto.

Dali-dali akong naligo at bumaba na. Papalabhan ko na lang kay Manang yung mga basang gamit ko mamaya.

Pero bago ako pumunta ng dining room, dumaan muna ako sa kusina

at kumuha ng dalawang pitcher na puno ng tubig.

Pagdating ko sa kusina, nakita kong nakaupo at kumakain na si Kuya Carter. Tamang-tama at mag-isa lang siya. Hindi ko alam kong asan si Mommy. Si Daddy naman malamang nasa opisina na. Saktong nakatalikod sya saakin kaya hindi nya ako napansin.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Ninja moves. Nang nasa likod na nya ako, nagbilang muna ako bago...

3..2..1..

BOOGSH!!!

"Sh*t." sabay tayo at tingin sa likod nya.

Sakto naman ang pagdating ni Mommy. Gulat na gulat siya sa nadatnan nya. Si Kuya,ayun, naka-glue na sa kinatatayuan nya, kitang-kita sa mga mata nya ang pagkagulat,basang-basa. Samantalang ako, eto halos mahiga na sa sahig sa kakatawa. Eh mukha namang kasing tanga ang itsura ni Kuya. Priceless.

"Anong nangyari dito?"tanong ni Mommy. "Carter,bakit basang- basa ka?". Saglit nya akong tiningnan ng masama, at binalik ang tingin kay Carter,naghihintay ng kasagutan.

Tumayo na rin ako at inayos ang sarili ko. Pinipigilan ko na ang sarili kong tumawa.

My stupid brother? Ayun,nakatulala pa rin. Gulat n gulat pa rin sa nangyari sa kanya. Hindi nya pa rin siguro matanggap na ang bilis ng karma, and this time, two times painful.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon