CHAPTER 16

155 5 0
                                    

**MARLEE**

"That's all for today. Class dismissed." paalam ng guro namin bago tuluyang lumabas ng classroom.

Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko at kanya-kanyang ayos ng kanilang mga gamit para makauwi na.

Tumayo na rin ako at wala sa sariling inayos ang gamit. Kaninang lunch break pa ako di mapakali. Iniisip ko pa rin ang huling salitang binitawan ni Nick kanina bago niya ako iniwan dun sa cottage.

Ano bang pinagsasabi niya? Back? He? Sino bang tinutukoy niya? Alam kong may gusto siyang iparating, pero di ko hulaan kung ano yun. Argggh. I just hate being clueless.

"Marlee.."natigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng class president namin.

"Bakit?"

"Di ka pa ba lalabas? Kaw na lang ba ang magsasara ng pinto?" ani niya.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa classroom at ngayon ko lang narealize na ako at ang class president na lang namin ang natitira.

Grabe. Masyado na ba akong nawawala sa sarili at di ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko. Ni hindi ko man lang napansin na nagsialisan na pala ang mga buwisit kong mga kaklase.

"Hindi. Aalis na rin ako. Sabay na tayo."

Sabay kami naglalakad papuntang parking lot ng may maalala ako kaya napahinto ako.

"Bakit Marlee?" napahinto rin siya at nilingon ako.

"Ah may pupuntahan pa pala ako. Una ka na." paalam ko sa kanya.

"Ganun ba? Sige goodbye." sabi niya at naglakad na ulit papuntang parking lot.

Nagsimula na rin ulit akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Pupuntahan ko nga pala si Travis ngayon para magpasalamat sa pagbalik sakin ng napakamamahal kong bag.

Nasa SC room pa kaya yung lalaking yun? Malamang. Travis is a one hell of a workaholic guy. Panigurado nandun pa yun at busy sa pag-oorganize sa mga upcoming events.

Nadaan ako sa school grounds at nakita ko ang mga cheerleaders na nagpapractice este nagpapacute sa mga soccer players na naglalaro ngayon sa field.

I just rolled my eyes at them. Freaking desperate bunch of girls.

Hindi ba sila nagsasawa sa mga ginagawa nila. Landi here. Landi there. Buti sana kung magaganda.Eh ang kaso hindi. There nothing but copycats.

Don't get me wrong. Magaganda naman sila. But they're not natural beauties. Sila yung klase ng mga babaeng nadadaan ang ganda sa makakapal nilang makeups. Di gaya ko. With or without makeup, I'm still radiant and beautiful.

"Hey Marlee look out!" napalingon ako sa boses na sumisigaw, and was surprised to see a ball hurtling towards me.

Sa sobrang pamimintas ko sa iba at pagpupuri ko sa sarili, hindi ko na napansin ang bola papunta dito sa direksyon ko. I tried to dodge my way out and avoid the ball from hitting my face, but I was too late.

B O O G S H

The ball hit me right in my face at unti-unting dumilim ang paningin ko, hanggang sa maramdaman ko ang dahan-dahan kong pagbagsak sa lupa.

- - - - - - - -

"Ugh." Fudge. My head freaking hurts. It's like it is being sliced into million tiny pieces. Kainis.

I tried to open my eyes, but I immediately snap it shut dahil sa pagkahilong naramdaman ko. What the hell.

Kahit nakapikit, nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking kanang pisngi.

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon