Chapter 23

106 4 0
                                    

Marlee's POV

Matapos ang nangyari sa classroom kanina, dali-dali akong naglakad palabas.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam. Sarado ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ko ng lumayo. Palayo kay Xander. Kailangan kung maglakad palayo sa taong nanakit sakin.

Tulala lang akong naglalakad hanggang sa napansin kung nasa tapat na pala ako ng gym. Nakita ko sa loob si Dylan kasama ang mga kateammates niya. Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa mga kasama niya habang nagpupunas ng pawis. Mukhang kakatapos lang nilang magpractice.

Bigla ko na lang naramdaman ang mga paa kong naglalakad papalapit sa kanya, at walang anu-ano'y bigla ko siyang niyakap.

"What the heck." Rinig kong bulong niya. Ramdam ko ang pagkagulat sa tono ng boses niya

Hinawakan niya ang magkabilang braso at akmang tatangalin sa pagkakayakap, ng magsimula magkantyawan ang mga kasama niya.

"Nice move bro." Dinig kung sambit nung isang kateammate niya

"Kaya naman pala ganadong ganado kang magpracctice kanina, Dylan. Inlove oh." Dagdag pa nung isa.

"Kung ganyan ba naman sasalubong sayo tuwing practice, kahit araw araw pa akong mag-ensayo ayos lang." Pahabol ng isa sabay hagalpak ng tawa.

Biglang uminit ang pisngi ko sa mga pinagsasabi nila. Fudge nakakahiya. Baka iniisip nila na may relasyon nga kami ni Dylan.

Dahan-dahan kung kinalas ang mga braso kong nakayakap kay Dylan.Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. Nakatayo lang ako dun habang patuloy pa din kaming inaasar ng mga kasama niya.

Pasimple kong tiningnan si Dylan para makita ang reaksyon niya. Nakita kong pangisi-ngisi lang siya sa mga pang-aasar ng mga kateammates niya.

Bumaling siya sa direksyon ko nung naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon niya.

Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo habang nakataas ang kilay. Alam kung naguguluhan siya sa inasal ko kanina.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil kahit ako ay nagulat sa ginawa ko. I wasn't thinking. My feet brought me to him.

Maya-maya pa'y narinig ko ng nagpapaalam ang mga kasamahan niya.

"Dude una na kami.Magmoment lang kayo diyan." Pahabol na asar pa nila.

Nung kaming dalawa na lang ang naiwan, bumalik na naman yung kaba at hiyang naramdaman ko kanina.

Aish! Ang tanga mo kasi Marlee. Di ka nag-iisip.

"Janell" Pambabagsak niya ng katahimikan.

Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin pero di ko siya kayang tingnan. Nahihiya ako.

"What was that all about?" Ramdan ko ang pagkainis sa tanong niya.

Di ko alam, Dylan. Gusto kong sabihin sa kanya yan. Pero alam kung mas lalo siyang magalit pag yan yung isasagot ko.

"I-I need to go. It's getting late na din naman. Sige una na ako. Bye". Pagpaalam ko ng hindi sinasagot yung taong niya.

Malapit na ako sa pintuan ng gym at akmang lalabas na ng bigla akong hilahin ni Dylan paharap sa kanya,kasabay ng pagkalabog ng pinto sa likod.

Uh-oh. Did I just unleash a monster?

Tumambad sakin ang iritadong mukha ni Dylan. Nakita ko rin ang pag igting ng kanyang panga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY EX-BOYFRIEND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon