CHAPTER 1

132 8 0
                                    

I'm Carlson Spencer, pupunta ako ngayon ng coffeeshop dahil wala naman ako masyadong ginagawa dito sa bahay kaya tutulong na lang muna ako kay mama at lola sa aming coffeeshop. Lumaki ako ng simple at mababang tao kaya hindi ako naghahangad ng malaking bahay at magagandang damit dahil kumpleto at masayang pamilya ay maayos na sa akin, wala akong hangad kundi makapagtapos ng pag aaral ng sa ganun ay maiahon ko na ang aking pamilya sa kahirapan. Mahirap man ako ngunit may mataas naman akong pangarap sa buhay kaya hindi basehan ang pera tungo sa magandang kinabukasan dahil ang ginagamit dito ay talino at diskarte. Salamat sa mga nanood ng aking blog!!

"Carlson! Carlson!" tawag sa akin ng aking ina

"Bakit po ma?" tugon ko naman sa kanya ng nakangiti

"Kung ikaw din lang ay ganyan mas mabuti pang mag asawa ka na!" biro sa akin ng aking ina

"Delia ano ka ba naman masyado mo naman pinagmamadali sa pag aasawa aking apo ay wala pa nga itong girlfriend" sagot naman ni Lola

"Ay naku mama at lola wala pa po sa aking isip ang ganyang mga bagay dahil ang tanging gusto ko lamang ay makapagtapos ng pag aaral ng sa ganun ay mabili ko na kayo ng masasarap na pagkain at magagandang damit" sambit ko naman sa kanila

"Napaka ganda ng layunin mo apo, kung ganyan ka mag isip ay magtatagumpay ka sa buhay" sagot naman sa akin ni Lola

"Salamat po Lola" sambit ko sa kay Lola sabay yakap ng mahigpit

"Sige na, baka magkaiyakan pa kayo dyan maglola, Carlson iabot mo na itong mga kape sa customer at kanina pa nila itong hinihintay" sambit ni mama sa amin.

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now