CHAPTER 17

15 3 0
                                    

AT THE SCHOOL

"Bakit mo ko pinatayan kagabi eh kinakausap pa kita?" tanong nya sa akin habang kasabay ko pumapasok sa school

"inaantok na kasi ako kagabi eh" tanggi ko sa kanya

"Ah nang nagtanong nga pala ako sayo ng tungkol kay Allison ay agad mong pinatay" pang aasar ni bruce sa akin

"Sira ka talaga" saad ko naman sa kanya

"Aminin mo na kasi na gusto mo din si Allison" saad nya sa akin

"Pano ko magugustuhan yun eh hindi pa nga kami lubos na magkakilala" saad ko sa kanya habang ang mga babae sa school ay ngumingiti sa amin"

"Ang gwapo mo naman po Mr. President!!" sigaw ng mga estudyante sa campus

"Mabuti pang gawin nyo na ang dapat nyong gawin, napaka aga nyo mang harot" saad ni allison

"Aga aga mo naman mabadtrip Allison" pang aasar ni bruce

"Isa ka pa!" saad ni allison kay bruce

"Nagseselos ka lang sa mga babae na sumisigaw kanina eh haha" saad naman ni bruce sabay pasok sa kanilang room habang naka ngiti kay Allison

"Isa ka pa Carl, president ka kaya dapat di mo hinahayaan na may mahaharot dito sa school" pagtataas ng boses ni Allison habang dala dala ang kanyang mga libro

"Oo nga pala may gagawin tayo mamaya" saad ni Allison sa akin

"Anong gagawin nyo?" pang aasar ni bruce kay allison

"Nandito ka na naman para asarin ako? Umalis ka baka masap4k kita" saad ni allison kay bruce

"Okay po mam" saad ni bruce kay allison

"Palamigin mo nga ulo ng girlfriend mo Carl" pang aasar naman nito sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at bagkus ay pumasok na ako sa room

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now