CHAPTER 22

11 3 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay iniisip ko pa din ang mga sinabi ni bruce sa akin

"Aamin na ba ako?" saad ko sa aking sarili

Nang dahil sa aking pag iisip ay nalinawan ako kaya agad ko naman tinawagan si bruce para ipaalam sa kanya ang aking gagawin desisyon

"Bro!" sigaw sa akin ni bruce sa telepono habang ako ay nagulat kaya tumilapon ang aking cellphone pero agad ko din itong nilimot

"Ano?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka

"Aalis na si Allison bukas hindi mo na sya makikita, pupunta na sya ng state at doon na sya mag aaral" saad ni bruce sa akin kaya agad ko naman kinuha ang leather jacket na binigay sa akin ni mama sabay kumaripas ng takbo papunta sa San Fuego

"Nasan si Allison bro ngayon?" agad ko naman tanong kay bruce ng makarating ako sa San Fuego

"Tumawag ka sa harap ng bintana ng kwarto ni Allison" saad ni bruce sa akin

"Loko ka! sobrang taas nyun baka paos na ako hindi pa nya ako naririnig" saad ko kay bruce

Ibinaba ko na ang telephono ko at tumawag ako ng tumawag kay Allison hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan atsaka nya ako narinig kaya agad naman syang bumababa at pinuntahan ako ng may dalang towel at payong

"Allison! huwag mo ako iiwan, gusto din kita kaya huwag mo akong iiwan" paulit ulit kong sambit sa kanya

"Talaga?" Niyakap nya ako sa sobrang saya nya kaya nabitawan nya ang payong at naging dahilan ito ng pagkabasa namin pareho

"Tayo na ba?" tanong ko sa kanya

"Oo tayo na" sagot nya sa akin ng nakangiti

ang ibig sabihin ba nito ay girlfriend ko na si Allison Morris" mabilis ko naman saad sa kanya

"Oo Carlson Spencer boyfriend na kita simula ngayon" saad nya sa akin kaya agad ko naman syang hinalikan at sa bawat dampi ng aking mga labi sa kanyang mga labi ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now