AT THE SCHOOL
"Magkakaroon tayo ng election para magkaroon tayo ng officers dito sa school na maaasahan at kung sino ang maeelect ay tatawagin silang Supreme Student Council kaya galingan nyo ang pagpili, dapat ay talagang karapat dapat at maasahan" saad ni Professor Jay
"Magkakaroon kayo ng campaign at mag iisip kayo ng pangalan nang inyong team" saad ulit ni Professor Jay
Magkakaroon na kami ng isang campaign para sa election at kasama ako doon, tatakbo ako bilang presidente at makakasama ko sa isang team si Allison, sya ang tatakbo bilang vice president. Sa kasamaan palad ay magiging kalaban ko si Jeremy ang may pinaka matinding galit sa akin, tatakbo sya bilang president sa kabilang team kaya mas pinag tuunan na lamang ng aming pansin ay ang aming team
Kami naman ni allison ay nagsimula ng gumawa nang mga flyers at napalapit kami lalo ng loob kaya nagkakausap na kami ng matagal pero hindi dahilan ang mga ito para maging magkasama kami sa lahat ng bagay
"Madami na tayong nagawang flyers" saad ko kay Allison habang sya ay patuloy pa rin sa pagugupit
"Eto kumain at magpahinga na muna kayo, dinalhan ko kayo ng makakain dahil alam kong gutom at pagod kayo" saad ni bruce sa amin habang dala dala nya ang kanyang pagkain binili
"Di ba bro kasama ka namin sa team?" tanong ko kay bruce
"Oo bro at ang magiging kalaban ko ay crush ko sa school" saad nya sa akin kaya napatawa kami ni allison
"Sira, magpapatalo ka na ba sa crush mo?" saad ko naman sa kanya
"Syempre hindi dahil kailangan kong manalo sa puso nya ay este sa election" saad nya sa amin at muli na naman kaming nagtawanan
"Ang korni mo naman bruce" saad ni allison
"Walang may pake allison eh ikaw nga dumada moves kay Carl, kunwari gumagawa ng flyers pero humaharot naman" pang aasar ni bruce kay allison kaya namula ako bigla sa kanyang sinabi
"nye nye, tumulong ka na lang kaya no" saad ni allison
Nang dahil dito ay naging mas lalo kaming malapit tatlo kaya naging magkaibigan kami kahit angat sila pareho sa akin
YOU ARE READING
Promises are the Sweetest Lies
RomanceCarlson Spencer is the smartest student in Sansrival University. Besides, he is quiet and the most handsome in the university, so the girls are crazy about him But what you don't expect is that the smart and quiet man will love a woman who can't see...