CHAPTER 15

11 3 0
                                    

"Napaka sarap naman nito bruce, bakit hindi mo ininvite si Eloisa dito sa bahay nyo" saad ng isa nyang kaklase

"Kumain na ka na nga doon shaira" saad naman ni bruce at tila nahihiya sya sa tuwing binabanggit ang pangalan ng crush nya

"Bakit kayong dalawa ay nakatitig sa akin?" saad ni bruce sa amin habang kami ni allison ay nakangiti sa kanya habang tumitig

"Kumain na din kayo at maglalaro tayo mamaya" saad ni bruce sa amin

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na kaming maglaro

"Ang larong ito ay tatawagin natin na Promise and Lies sasabihin mo ang mga sweet promises na hindi kailan man natupad and sa Lies naman ang gagawin nyo ay kailangan mong magsisinungaling ka pero kapag nahuli ka aaminin mo yung mga bagay na kailanman di pa nangyayari sa buhay mo" Pagpapaliwanag ni bruce sa amin kaya agad naman sinimulan ang laro

"Spin the bottle tayo para walang dayaan" saad ni bruce sa amin at natapat ang bote kay Allison

Promise na kailanman hindi natupad sa akin ay "be strong and continue fighting in our relationship" saad ni allison at kaya napaisip ako na siguro ay may naging boyfriend na syang una

"Ikaw naman ang sunod Carl" saad ni bruce sa akin

"Ang Lies ko naman ay may girlfriend na ako" saad ko sa kanila

"May girlfriend ka na?" bilaang tanong ni Allison sa akin

"Oo meron na" saad ko naman sa kanya

"Hoy Allison wag kang pahalata kaya nga lies di ba, kasinungalingan tas naniwala ka naman" saad naman ng kaibigan ni Allison sa kanya

"Oo nga no?" saad ni allison at bigla syang napanagiti

"Masyadong ka din pahalata bes no" Saad ulit ng kaibigan ni Allison kaya kaming lahat ay napatawa sa kanilang dalawa

"haha funny" saad ni allison dito at halatang pikon na

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now