Makalipas ang ilang buwan ay ipapakilala ko na si Allison sa aking mga magulang kaya agad ko naman tinawagan sina mama at papa
"Ma, Pa, may girlfriend na ang anak nyo oh" saad ko sa kanila
"Hello po tita at tito" bati ni Allison sa aking mga magulang
"Naku, ikaw na ba ang future daughter in law namin" biro ng aking ina kay Allison kaya napatawa kaming lahat
"Natupad na ang pangarap nyong mag asawa na magkaroon ng girlfriend ang iyong panganay" saad ni Lola sa aking mga magulang
"Oo nga po nay, para naman may kasama si Carlson abutin ang kanyang mga pangarap" saad naman ni mama kay lola
"Basta nak dalhin mo ulit dyan sa bahay si Allison ha kapag umuwi kami ng mama mo" saad naman ni papa sa akin
"Opo, makakaasa po kayo" saad ko naman kay papa
Nang matapos ang pakikipag usap namin ni Allison sa aking mga magulang ay may tumawag kay Allison
"Allison, anong sinasabi ni bruce na boyfriend mo na yung binatang gwapong lalaki na nandito noong isang gabi
"Mom, ano ba" tugon naman ni Allison
"Anong ano ba? umuwi ka dito at dalhin mo sa akin yang boyfriend mo" saad ng Ina ni Allison
"Carl, sabi ni mom dalhin daw kita sa bahay namin" saad ni Allison sa akin
"Paano kung hindi ako tanggap ng mommy mo dahil ganito lang ako" saad ko kay Allison
"Wag ka mag overthink, ako ang bahala sayo" saad ni Allison
Nang makarating kami sa San Fuego ay pumasok na agad kami sa bahay nina Allison at agad din naman kaming sinalubong ng kanyang Ina kaya nagulat ako
"Nandito na pala ang anak ko at ang aking future son in law" bungad sa amin ng ina ni Allison
"Hello po tita, nice to meet you po" saad ko sa ina ni Allison
"Pumasok kayo at nagpahanda ako ng hapunan para habang kumakain tayo ay makapag usap tayo" malugod na pagtanggap sa akin ng ina ni Allison
"Naku Carl nabanggit sa akin ni bruce na napaka sipag mo daw mag aral" saad nito sa akin
"Opo dahil may pangarap po ako" saad ko naman sa kanya
"Pag butihin mo yan Carl, wag kang gagaya kay Allison na walang ginawa kundi mag blog all night" saad ng ina ni Allison habang kami ay kumakain
"Mom!" pagtataas naman ng boses ni Allison
Nakatapos na kami kumain kaya dinala ako ni Allison sa kanyang kwarto
"Napaka daldal talaga ni brucee!" saad ni Allison sa akin
"Hayaan mo na, mabuti nga yun at nalaman ko na mabait naman pala ang yung mommy" saad ko sa kanya
"Hindi porket mayaman kami ay hindi na namin tinitingnan o minamahal ang mga nakababa sa amin" saad nito sa akin kaya mas nalinawan ako
"Kaya mahal na mahal kita eh" saad nito sa akin sabay hinalikan ko ang kanyang mga labi
"Baka makita tayo ni mama" saad nito sa akin habang ako ay ipinagpapatuloy ang paghalik sa kanya
"Hindi tayo makikita ni tita" saad ko sa kanya
YOU ARE READING
Promises are the Sweetest Lies
RomanceCarlson Spencer is the smartest student in Sansrival University. Besides, he is quiet and the most handsome in the university, so the girls are crazy about him But what you don't expect is that the smart and quiet man will love a woman who can't see...