CHAPTER 20

11 3 0
                                    

Isasayaw ko sana si Allison ng biglang yayain ako ni Mika na sumayaw at narinig ito ni Allison

"Carl, tara sayaw tayo" pag yaya sa akin ni Mika kaya hindi na ako nakatanggi kahit hindi sya ang gusto kong isayaw

"Jeremy tara sayaw tayo" saad naman din nito kay Jeremy kaya nakita ko silang sumasayaw

"Hi Allison ang laki naman ng partner mo" pang aasar ni bruce kay allison

"Can you just please shut up" saad ni Allison kay bruce

Nang makita ko si Jeremy at Allison na sumasayaw ay nakaramdam ako ng selos kahit alam kong wala akong magagawa kundi hayaan sila

Makalipas ang ilang sandali ay pinatigil ang sayawan kaya pinapunta lahat ni Professor Jay ang SSC sa unahan

"Move Forward! Move Forward!" saad ng isang estudyante na nasa unahan ni Allison, sa pag moved forward ni Allison ay nag out of balance sya kaya muntikan na syang matumba, buti na lamang ay nasalo ko ito at naging dahilan ng hiyawan ng mga estudyante

Nagkatitigan kami nang dahil sa pangyayari pero agad din naman itong kinuha sa akin ni Jeremy

"Bitawan mo ko Jeremy!" saad nito kay jeremy habang hinihila sya papalayo sa akin

Bumalik na ang atensyon ng lahat nang sumigaw si professor Jay gamit ang microphone

"Nandito tayo para magsaya kaya pwede nyo na ulit ituloy ang tugtugan at sayawan" sigaw ni Professor Jay kaya nagsigawan na rin pati ang mga ibang estudyante

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now