CHAPTER 21

11 3 0
                                    

Pauwi na ako ng bahay nang makita ko si Jeremy at Allison na na nag aaway kaya napatigil ako at narinig ko ang pinag aawayan nila

"Bakit ba gustong gusto mo ang lalaking yun, napaka cold at walang ginawa kundi mag aral" saad ni jeremy kay Allison

"Wala kang pakielam kung sino magustuhan ko dahil matagal na tayong tapos, okay?" saad ni Allison kay jeremy habang mahigpit na nakahawak sa kanyang panyo

"Gusto ka ba? hindi ka nga pinapansin eh, ano bang nangyayari sayo Allison hinahangaan ka ng lahat dito sa university pero ang lalaking lang yun ang naka agaw ng pansin mo" pasigaw na saad ni jeremy kay Allison

Napalabas ako sa aking pinagtataguan ng sigawan ni jeremy si Allison kaya agad ko naman nilapitan ang mga ito

"Pwede ba huwag mo syang sigawan!" saad ko kay jeremy

"At pwede bang wag ka din makielam sa away namin!" saad nya sa akin

"Ano ka ba nya? Di ba ex ka na nya?" saad ko kay jeremy habang naka kuyom ang aking mga kamay sa galit

"Yabang mo ah" saad ni jeremy sa akin habang inilalayo ko si Allison sa kanya

"Salamat naman at dumating ka Carl" saad ni allison sa akin, samantalang ako ay tuloy lang ang paglalakad

Tumigil kami sa isang coffee shop na malapit sa school at nagulat ako ng magtanong sya sa akin

"Gusto mo din ba ako Carl?" tanong nya sa akin

Hindi ko alam ang aking isasagot kaya tinawagan ko na lamang si bruce at mabilis na umalis sa coffee shop para makaiwas sa tanong ni Allison

"Bro hindi ko na alam gagawin ko, ang gusto ko lang naman kaya ako pumasok sa university na 'to ay makapag aral ng maayos para maka graduate din ng maayos pero bakit may iba akong nararamdaman" saad ko kay bruce

"kasi nga may gusto ka na kay Allison kaya sa tuwing nakikita mo si Jeremy at Allison na magkausap nagseselos ka" saad nito sa akin

"Kaya nga nang tinanong ako ni Allison kung gusto ko sya ay agad kitang tinawagan para makaiwas ako sa tanong nya" saad ko kay bruce

"Kahit ilang beses mo pa iwasan si Allison, hindi mo  maitatanggi na gusto mo sya" saad ni bruce sa akin

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now