CHAPTER 27

13 3 0
                                    

"Wow kailan ang kasal nyo?" pang aasar sa amin ni bruce

"Bakit mo sinabi kay mommy ang tungkol sa amin ni Carl" saad ni Allison kay bruce

"Inunahan ko na kayo dahil doon din naman kayo papunta" saad naman ni bruce kay allison

"Nakiki third wheel ka na nga lang umeepal ka pa sa amin" saad ni Allison kay bruce

"Walang may pake allison" saad ni bruce habang nangaasar

"Pinapatawag po lahat ng myembro ng SSC" saad ng isang estudyante sa amin

"Nandito na po silang lahat professor" saad naman ni Mika

"Kaya ko kayo ipinatawag ay para malaman nyo na nalalapit na ang valentine's day at magkakaroon tayo ng selebrasyon dito sa school kaya sana ay maasahan ko kayo sa pangunguna ni Mr President Carlson" saad ni Professor sa amin

Nang makalipas ang ilang araw dumating na ang nasabing selebrasyon ni Professor Jay at naihanda na din namin ang mga kailangan dito at nagsimula na din ito agad

"Magandang umaga sa inyong lahat nais kong batiin ang lahat ng naririto ng Happy Valentine's Day at ako ay nagpapasalamat sa SSC na tumulong sa pagsasaayos ng ating paaralan sa pangunguna ni Mr President, Carlson Spencer" saad naman ni Professor Jay

"At nais ko din ipaaalam sa inyo na may isang malaking anunsyo si Carlson kaya inaanyayahan kitang umakyat dito sa intablado" saad ni Professor Jay sa akin sabay alis sa aking kinatatayuan

"Magandang Umaga sa aking mga kapwa estudyante, nais ko muna kayong batiin ng Happy Valentine's Day dahil sa inyong pagsisikap magkakaroon kayo ng magandang kinabukasan at maipagmamalaki kayo ng mga magulang at mahal nyo sa buhay" saad ko sa kanilang habang nagpapalakpakan

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nais kong sabihin sa inyo na in a relationship na po kami ni Ms Vice President Allison Morris" saad ko sa kanila sabay hiyawan

"Inaayahan kong umakyat dito si Ms Allison Morris" saad ni Professor sabay takbo sa aking kinatatayuan

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante kaya yinakap ko si Allison sa harap nilang lahat

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now