CHAPTER 14

11 3 0
                                    

Hanggang sa dumating na ang araw ng election

"Galingan mo Carlson baka mapahiya ka lang sa akin, may madami akong maiaambag dito sa school dahil mayaman at may pera ako" saad ni Jeremy sa akin ngunit hindi ako nagpasindak sa kanya

"Hindi pera ang gumagamit dito para mapaunlad ang school, ang kailangan dito ay talino at diskarte kaya aanhin mo ang pera mo kung kulang ka sa talino at diskarte" saad ko naman sa kanya

"Ang yabang mo ah" pagtataas nya ng boses at halatang pikon na agad sya di pa nagsisimula ang election

Makalipas ang ilang oras ay ilalabas na ang mga nanalo kaya lahat kami ay nagaabang at di na makapag hintay

"Ang ating magiging president ay ang nag iisang Carlson Spencer and to other winners, Congratulations!!" saad ni Professor Jay sa nakakarami at pina akyat nya ako sa stage para makapag salita

"Thank you very to all of you who trusted and voted for me, hindi ko po sasayangin ang pagkakataon at tiwala na ibinigay nyo sa akin kaya makakaasa kayo ng gagawin ko ang aking makakaya para mapanatili ang kaayusan dito sa ating paaralan" saad ko sa kanila at nagpalakpakan sila at isinigaw ang aking pangalan kaya ako ay nagalak

"Congratulations Carl!" bati ni Allison sa akin habang naka ngiti

"Congrats din Allison!" pagbati ko din sa kanya ng may galak

"At dahil nanalo tayo magpapakain ako sa aming bahay kaya invite nyo mga kaklase at ka team natin" saad ni bruce sa amin kaya agad naman kaming dumeretso sa bahay nila

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now