CHAPTER 11

421 6 0
                                    

"I like you, Ysabella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I like you, Ysabella. No. I think... I am already in love with you," napapaos niyang sabi na ikinakurap ng mga mata ko.

I caught the big fish on the wide ocean... in a short span of time. Without a skill. Without exerting an effort. Or even without a professional fishing rod and bait.

Who would believe it?

No one. 

Kaya gusto ko man siyang paniwalaan dahil... nababasa ko ang sinseridad sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon... hindi ko magawa. Imposible kasi. Isang araw pa lang kaming nagkasama at nagkita. O kahit isama pa ang una naming pagtatagpo sa Mystique at no'ng awarding... imposible pa rin.

Ano iyon, love at first sight? 

I don't believe in that kind of stuff. Or even in the second, third, and so forth meetings. Ano iyon, automatic na tumibok ang puso niya para sa akin, kahit wala kaming malalim na pinagsamahan? 

Sinong niloloko niya?

Love needs deep connection and a strong bond. You should already have shared both happiness and sadness. You should already both understand each other. Be there to lighten up the mood whenever you both have a gloomy day. Should have learned to overcome struggles by supporting each other. Or even celebrating your special day or your little achievements that happened in your life.

Paano mo naman kasi malalaman na mahal mo ang isang tao kung wala kang alam kahit na isa tungkol sa kanya? Wala pa kayong problemang nalagpasan na magkasama? Or even celebrate both of your achievements?

One week had passed when I left Diego at that bar. Pinigilan niya akong umalis nang gabing iyon. Hinuli ang palapulsuan ko, pero nanaig sa akin ang umalis doon at iwan silang tatlo. 

Yes, I left the bar without Aira. Hindi ko rin kasi sila mahagilap nang paglabas ko ng VIP room na iyon dahil sa dami ng tao. Kaya'y wala akong ideya kung anong nangyari matapos kong umalis ng bar.

Hindi rin nagkwekuwento si Aira o magtanong man lang kung bakit wala na ako sa bar nang gabing iyon. O sinabi ba kaya sa kanya ni Diego na umuwi na ako?

I don't know. 

Isang linggo na rin kasing hindi pumapasok si Diego sa SEI, kaya'y hindi ako nakakatanggap ng kompronta sa nangyari. Nga lang, ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi? Sa isang araw kasing wala siya, alam kong mas natatambak ang tatrabahuhin kong mga papeles. Is that how he's taking revenge on me?

Bumuntong-hininga ako.

I was sitting at my table, staring blankly at the closed door of Mr. Sandoval's office. Alas diyes na, at kakabalik ko lang galing sa pantry para magkape. Binalak ko talagang mag-meryenda nang late para iwasan ang mga katrabaho. Good thing na abala nga sila nang bumaba ako, kaya walang nakapansin sa akin.

Sa loob ng isang linggong iyon, hindi ako pumasok sa loob ng opisina. Even so, there was part of me that was pushing me to enter and check whether there were already people inside. Pinigilan ko ang sarili ko. Saka may taga-linis din araw-araw kaya mali na mag-aalala ako na baka marumi na sa loob. Or is it one of my excuses? Dahil... may ibang rason bakit nais kong pumasok sa loob?

Catching the CEO's Heir | Art of Temptation Series (TO BE PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon