CHAPTER 9

457 11 0
                                    

NATAMEME AKO at nawala sa sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NATAMEME AKO at nawala sa sarili. Nasa front seat ako habang ang anak ni Mr. Sandoval ay nagda-drive papunta sa condo kung saan ako naninirahan sa loob ng limang taon. Ayaw ko man na magpahatid pa pero wala akong nagawa nang igiya niya ako sa loob ng kotse. Para akong isang mannequin na hila-hila niya kanina at walang sariling buhay.

Papaano ba naman kasi... up to this point... I couldn't still believe what he said. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang lahat. Siya? Gusto niya ako? Haler. He's the son of a conglomerate. He's the son of my boss. And I am just a secretary to his father. Kaya papa'nong gusto niya ako?

To be honest... that was the first time I heard someone confessing to me— directly to my face. Hindi sabi-sabi lang ng kung sinu-sino. Siguro iyon din ang dahilan bakit big deal iyon sa akin. Kahit pansin ko naman na parang wala lang sa lalaki ang ginawa niya.

Kasi kung seryoso talaga siya roon, dapat may hiya siyang nararamdaman para sa akin, 'di ba? Or else he would be awkward right now that he is with me, right?

Pero hindi.

Mukhang ako lang ang nakakaramdam ng ilang sa aming dalawa.

"Are we here?" he asked.

Napakurap ako at naagaw niya ang atensyon ko. Nakatanaw siya sa labas ng kotse, kaya sinundan ko na rin ng tingin ang labas. Narito na nga kami. Sa gilid namin ay ang malaki at matayog na building ng Del Valle's High Rise.

Sa sobrang lutang ng isip ko, hindi ko na napansin ang haba ng biyahe namin. Lalo na dahil medyo mabigat ang traffic sa may bandang C5 kapag ganito na kalalim ang gabi.

"Are we here, Ysabella?" ulit niya sa tanong nang hindi ko siya nasagot.

I nodded in shock as my eyes drifted back at him. "Opo, opo."

He just smiled at me and maneuvered the car into the parking lot of the building.

Nang maka-park ay pababa na sana ako nang matigilan. Ang anak ni Mr. Sandoval ay nagkukumahog na lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. I was shocked, literally. Humagikhik siya. Mukhang napansin niya ang pagbilog ng mga mata at pagbagsak ng panga ko sa ginawa niya.

"It seems I was the first man who did this, huh?" he asked, offering his hand to me.

Pinag-initan ako ng mga pisngi dahil tama nga naman siya. I never had a romantic relationship in my whole life. Oo, may nagtangka nang college pa ako, pero hindi naman umabot sa mga ginawa ng anak ni Mr. Sandoval. Nor was he vulgarly confessing to me like he was earlier.

I accepted his hand. Pero kaagad ko rin nabitiwan iyon dahil sa pagdaloy ng kuryente mula sa kamay niya papunta sa balat ko nang maglapat ang mga palad namin.

"S-Salamat, Sir," nauutal kong sabi, napayapos sa braso para kalmahin ang nagsipagtayuan kong mga balahibo. I could feel the burning sensation on my cheeks, too. Kaya alam ko na namumula ang mukha sa puntong iyon kahit hindi ko pa tingnan ang sariling reflection sa tinted window ng kotse.

Catching the CEO's Heir | Art of Temptation Series (TO BE PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon