CHAPTER 14

413 6 0
                                    

"AIRA!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"AIRA!"

Shame embraced my whole system. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa bunganga ng kaibigan. Kung hindi lang sana ako masiyadong nanghihina ay naibato ko na siya ng unan.

"Why? Is it wrong?" natatawa niyang sabi. "Single ka. And I hope... he is single, too!"

"I am..." Diego said, his face full of seriousness. "Didn't Miko tell you?"

Napairap si Aira bago tumawa. Sumabay na rin si Tiya Flor. Puro sila panunukso sa amin ni Diego na sinakyan naman ng lalaki. I wanted to protest. Wala naman kasi talagang nangyari sa pagitan namin. Well, mayroon. Pero hindi ko iyon aaminin lalo'y nariyan si Diego at ang sabihin na naudlot ay sobrang nakakahiya.

Alas nuebe nang sabay na magpaalam sina Tiya Flor at Aira. Tiya Flor will be back at the club. Hindi pa naman kasi tapos ang trabaho niya roon. At si Aira, uuwi na.

Nagtaka ako bakit biglang lumungkot yata ang mukha ni Aira nang magpaalam. Or was I imagining things?

Nakangiti naman kasi siya nang lisanin ang silid at sumunod kay Tiya Flor. Nariyan kaya si Miko? Sinusundo siya o ihahatid? I have no idea. Hindi rin kasi niya nabanggit sa buong oras na nasa ospital siya.

Nagpaiwan si Diego. Akala ko ay sasabay na siya, pero hinatid niya lang pala ang dalawa sa labas at agad na bumalik. I don't know what I will say to him. Until now, inaatake pa rin ako ng hiya dahil sa nangyari sa amin. Was he disappointed that I was a virgin?

Hindi ko naman siya magawang maitanong at buksan ang usapan para roon.

I decided to take a nap. Nangyari naman. Siguro dahil sa matinding kirot na naramdaman ay napagod ako nang husto.

"Morning..."

Diego's small smile greeted me the next morning. Nasa may stand table siya at nagbabalat ng mansanas.

I was surprised that he was still here. Hindi ko rin naman pinahalata pa.

"Breakfast?" tanong niya nang makitang bahagya akong bumangon para maupo. "I bought food outside."

"Hindi na. Sa bahay na lang. Lalabas na yata ako ngayon, 'di ba?"

"Yup." Diego nodded and then looked at me... while slowly taking a slice of the apple in his mouth. His eyes were full of desire and seemed to tempt me. "You can eat the food while we are preparing for your discharge. You know, breakfast is the most important meal. Or... are you already full because I am the one you saw this early?"

"Sige. Kakain na. Ano bang pagkain 'yan?"

Humalakhak si Diego sa reaksyon ko. I know, and I can feel my face turning bright red right now. Wala nga lang salamin sa loob ng silid para ikumpirma.

Naka-white long sleeves pa rin si Diego, dating suot kahapon. But his aura was scorching... and delectable. Matangkad, medyo magulo ang buhok, at maganda ang pangangatawan. Halatang hubog siya sa gym.

Catching the CEO's Heir | Art of Temptation Series (TO BE PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon